Brian


Buo ang loob ko sayo pero araw araw kitang tatanungin.
Tanong na hindi mo kayang sagutin dahil alam naman nating walang sagot.
Gusto lang kitang tanungin dahil gusto ko lang.
Gusto ko lang ung ilang minuto na nakatingin ka sakin at susubukan mong alamin ang sagot.
Sa mga mata ko, nakatingin ka.
Sa bawat salita ko, nakikinig ka.
Sa bawat ngiti ko, may kilig ka.
Pero ang pinaka gusto ko ay sa bawat daing at hikbi ko, hinahawakan mo ang mga kamay ko.
Wala kang sasabihin, tititigan mo lang ako.
Doon sa mga titig mo, hindi lang ang mga mata mo ang nakikita ko
Tumatagos sa akin ang sinseridad ng pag-ibig mo.
Pagtapos noon, babalik ako sa tanong na…
Bakit ko kekwestyunin ang pag-ibig mo? Bakit hindi ko pagkakatiwalaan ang mga “Mahal kita” na gumigising sa umaga ko? Bakit ko kakalimutan ang panata mo?
Bakit?

Gusto kitang mahalin dahil gusto ko. ‘Di nito masasagot ang tanong na bakit pero kalmado na ako.

Hindi ko na kailangan ang bakit dahil sabi mo mahal mo ako.

 

b

(c) Parangpag-ibig 2016

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: