Tuldok-Kuwit (Isang Tula)


Ang pag ibig ba ay tahimik?
Ito ba ay hindi maingay?
Hindi mo ba ito kailangang isigaw?
Hindi ba ito nangangailangang isigaw?
;
Mas maiging tahimik dahil dalawang puso lamang nakakarinig ng awit.

Ang pag ibig ba ay awit?
Ang nagmamahalan ba ay umaawit?
Ang nararamdaman ba nila ay himig?
;
Dahil kung ito ay isang himig,
kung ito ay isang himig
Ikaw ang aking musika.
Musika na nakipag niig sa liriko
Musika, liriko
Ikaw at ako

Ang pag ibig ba ay salita?
Na kailangan ay palaging bigkasin upang marinig? upang malaman?
Salita na hindi mabubura at hindi malilimutan?
;
Ito ay salita na buong buhay kong sasambitin kahit ako ay pipi at ikaw ay bingi
Walang bibig pero nasasambit
Walang tenga pero nakakarinig
;;
Hindi ginamitan ng instrumento ngunit may tunog
Hindi nilapatan ng nota ngunit may handog
Hindi sintunado kahit walang maestro.

Batid kong tayo ang pinakatugmang saliw
Isang kundimang walang katapusan.
Ang pag ibig ko sayo aking mahal ay tulad ng isang musikang hindi matatapos.
Tuldok-Kuwit
Hindi natatapos sapagkat nadaragdagan,
Nadaragdagan ng ibig sabihin pagkat ikaw ay nariyan.
Hindi mababawasan dahil ang pag ibig ko aking sinta ay hindi lilisan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: