Aking Mercedes (Isang Tula)


Mercedes, nakakatulog pa kaya sila sa gabi?
Pakiramdam ko pati ang kumot na gamit nila ay hindi nila pag-aari
Ang malalambot na kama na kanilang hinihigaan ay dapat pinang abuloy na lang sa mga pamilyang nagdadalamhati

Hindi nila alam ang salitang iyon Mercedes.
Paghihirap? Pagsusumikap?
Sila ang nagpapahirap sa mga taong nagsusumikap

Sila ay mga hunghang na nagpapakalasing sa delubyo ng kanilang kasakiman
Sila na walang alam sa kahirapan
Sila na ang bituka ay nabutas na sa asido na nanggaling sa kanilang bwakaw na bibig
Sila na isang bangungot
Sila ang ating mahabang tagtuyot

Hindi na nga sa kanila pero pinagdadamot pa
Hindi na nga nila maibigay ang dapat kinukuha pa nila ang sayo
Ganid at kasakiman ang sa kanila’y naghahari
Puot at pagkamuhi para sa kanila mula sa mga api

Minamaltrato ka nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pekeng pangako.
Inaabuso ka nila at aabusuhin ka nila hanggang ikaw ay maglaho

Hindi ka ba nasasaktan Mercedes?
Umaasa ka pa ba Mercedes?
Hanggang kailan Mercedes?

Sino ba ang nagmamahal sayo Mercedes?
Sino nga ba?
Halika dito Mercedes, aakayin kita.
Halika dito Mercedes, tahan na.
Oras na Mercedes, laban na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: