Blog ka pa tungkol sa love life niyo, maghihiwalay din kayo.


RANT:

Mahilig kasi ako magbasa at tumingin ng mga blogs ng mga taong hindi ko kilala, sabi kasi nila makikilala mo daw ang isang blogger sa mga sinusulat at sinasabi nila.

Gusto ko lang sumigaw habang nakataas iyong mga kamay ko

UTANG NA LOOB HINDI NASUSUKAT ANG PAG-IBIG AT KUNG GAANO MO KAMAHAL ANG ISANG TAO SA Kissing, Hugging, Making out, Being together for 3 days nakahiga-lang-kayo-sa-kama-anong-ginagawa-niyo moments.

Sumasang ayon ako na isa sa pinaka masarap na bagay sa buong mundo ang umibig. Totoo iyon. Ngunit, pero, datapuwat… ang pag-ibig ay mas masahol pa sa mga haplos at untugan ng mga balat. Hindi ito matatawag na pag-ibig kung hindi nito naarok ang pagkatao mo. Masama na ang pundasyon ng Pag-ibig niyo ay nakakulong lang sa mga pasaring ng init ng iyong katawan. Hindi sa mga memorya na ginawa niyo, hindi sa mga palitan ng I love you, I love you too or more, hindi sa kung gaano kayo kalakas kumain ng extra rice kapag magkasama kayo… nasusukat ito kapag masusukat na.. kapag nahihirapan na kayo, kapag tahimik na kayong dalawa at walang magawa kung hindi isipin kung magkakaintindihan kayo kahit tahimik, kapag…

kapag… kaya mo nang tanggapin ang tao na iyon kung sino man siya. Kung ano man ang kaya niyang ipakita na pagmamahal sayo. Kapag…

hindi ko alam kung paano ko tatapusin to… may isang tao lang ako na naisip. Siya na nga.

Siya… pag-ibig.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: