Walang Iwanan sa Vigan.


Ang Vigan Escapade na ito ay nangyari noong Mayo, at naantalang pagkekwento na naman ito. Isa rin sa dahilan kung bakit mahilig ako mag antala ng mga ikekwento para subukan ko iyong memorya ko. Medyo maraming bagay, pangyayari at kung ano ano pa ang madali kong makalimutan. Sa gawaing ‘to mahahasa ko kahit paano ang natitira kong kagitingang umalala. Tawa ka na.

Ang Vigan ay matatagpuan sa bandang Norte ng Pilipinas, halos sampung oras ang byahe para makarating doon galing sa Maynila. Mga alas otso ng gabi kami sumakay sa Patras sa may Cubao at nakarating kami ng Vigan bandang alas kwatro ng madaling araw. Binalak kong pumunta ng Vigan noong nakaraang taon per hindi natuloy buti na lang ngayong taon nabigyan ako ng pagkakataon, kasama ko pa si Tita love at si Dabeng. Pinatuloy kami ng isang Pastor na nakilala namin sa Youth Camp sa bahay nila, tatlong araw kaming  nasa Vigan at kahit tatlong araw lang iyon, napaka dami naming napuntahan at nakita na mga magagandang bagay, lugar at mga naka ngiting tao. Isa pang natuwa ako sa Vigan Escapade namin ay ang kakayahan naming maglakad na lang kesa sumakay, mas masayang libutin ang mga ganitong lugar sa pamamagitan ng paglalakad. Nakakapagod, naaalala ko pa ung unang hapon namin, nilakad namin tatlong barangay pero masayang pagkakataon iyon. Malapit din kasi sa gitna ng Vigan ung bahay ng pastor na tinuluyan namin. Kumain, naglakad, kumain, tumingin, naglakad, naghanap ng hahanapin. May nakilala sa isang tindahan ng tinapay na kinaibigan kami at sinabi na usong uso daw ang bibingka sa Vigan, kami naman natuwa dahil nga wala pang panahon ng kapaskuhan may bibingka na… pag punta namin doon sa bilihan, nalaman namin na iba pala ung sinasabi niyang bibingka, isa pala itong kakanin.

VIGAN 130

VIGAN 127

Masaya din pumunta sa isang lugar na hindi mo kabisado ang pupuntahan dahil nahahasa mo ung kagalingan mo sa pagtatanong ng direksyon sa mga taong ni panagalan ay hindi mo alam.

VIGAN 267

VIGAN 268

Kalesa, Mga Museo na nagpapakita ng tamis at tabang ng ating mahal na kasaysayan, Mga kainan sa kalye, Mga estranghero na nakangiti, mga taong naglalaro ng chess maghapon, makukulay na mga bagay na nakakakuha ng atensyon sa mga nagbabakasyon

VIGAN 269

VIGAN 272

VIGAN 354

VIGAN 676

VIGAN 108

VIGAN 178

VIGAN 285

VIGAN 559

Sabi nga nila maliit lang ang Vigan, ang sabi ko naman maliit na lugar para sa mayabong na karanasan.

Hindi ko alam kung nakailang Longganisa Vigan ako nung kami ay kumain ng almusal. Ang mga alikabok sa bahay ni Padre Burgos na talaga namang pag pasok mo ay inaalala mo na kung ano kaya talaga ang nangyari noong mga panahong nabubuhay pa siya. Ang malaking bell sa Bantay bell na puro na vandal ng mga sweet nothings at mga pusong nakaukit sa tabi ng pangalan ng magkasintahan. Ang Balwarte ni Chavit na kung saan nakakita ako ng kabayong nanganganak. Punong puno ng kahoy ang mga antigong gamit sa Calle Crisologo. Ang masarap na pagkain sa Cafe Leona. Ang mahabang Calle Crisologo na pinapalibutan ng mga kainan, hotel at mga taong hindi mo mabilang ang kaalaman sa lugar.

VIGAN 305

VIGAN 361

VIGAN 550

VIGAN 963

VIGAN 980

VIGAN 1051

VIGAN 1118

VIGAN 1131

VIGAN 735

VIGAN 749

VIGAN 803

VIGAN 611Ang aking Hi Vigan, Iska was here post kasama si Santo Panda.

Isa ang Vigan sa napaka gandang lugar sa Pilipinas at natutuwa ako dahil nakapunta ako doon, nakakalungkot na lang dahil madaming bahay na bakante. Hindi ko alam kung sinasadya nila iyon. Gusto ko sanang pasukin ung isa sa mga lumang bahay kaso naka-kandado pero nakasilip naman ako tulad ng pagsilip ko sa kasaysayan natin sa pamamagitan ng lugar na ito.

VIGAN 552

VIGAN 418

3 Responses to “Walang Iwanan sa Vigan.”

  1. di pa rin kami nakakapunta dyan. huhubells. kelan kaya?😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: