Hindi mo dapat ito malaman.


Nakaupo ako sa lamesa, kahit na hindi magandang tignan dahil hindi naman iyon inuupuan. Nakaupo ka sa bandang kanan ko, umiinom ng kape ako naman ay tsa-a. Hinalikan mo ako at sinabing ako ay mahal mo, tulad ng lagi mong ginagawa pero parang unang beses kong narinig iyon sayo. Ulit.
Mahal din kita, sambit ko, habang gumuguhit ako ng puso sa iyong dibdib gamit ang aking mga daliri. Maganda ang panahon sa labas, hindi maaraw hindi maulan. Sinubukan nating lumabas para maglakad, tulad ng palagi nating ginagawa. Habang naglalakad tumatawa tayo na parang mga inosenteng bata. Tapos biglang tatahimik para pakinggan natin ung tibok ng puso ng bawat isa, oo naririnig natin iyon kasi hindi lang ingay ang naririnig, pati rin katahimikan. Nadaan natin ang lugar na kung saan una mo akong hinalikan. Hawak mo ang kamay ko na parang mamahaling alahas kahit hindi ka mahilig dun, hawak ko din ang kamay mo na parang ito ung dahilan kung bakit ako may lakas ng loob na humawak ng kamay. Umuwi tayo para mahiga sa sopa na binili natin para higaan. Nakatulog tayo habang pinapakinggan natin ang ating bawat paghinga. Nagising ako, sinadya kong maunang magising kesa sa iyo. Gusto kasi kita titigan, pinaka paborito kong parte ng iyong mukha ay ang makapal mong kilay. Hindi ko rin alam kung bakit pero masaya ako kapag tinitignan ko iyon. Binulong ko ang iyong pangalan na parang sigaw sa aking puso. Sana hindi ka magising, para mas makakabisado ko pa ang kalmado mong mukha habang natutulog. Hindi ako magsasawang titigan ka sapagkat sa bawat pagkakataon na tititigan kita parang bago lang kitang kakilala at sobrang interesado ako sayo. Gustong gusto kong sinasabi ang pangalan mo.
Parang ibang iba ang tunog kapag sinisigaw ito ng puso ko. Hindi nila ako maiintindihan, alam ko. Hindi naman nila kailangang intindihin dahil ikaw lang kampante na ako.

Binulong ko ulit ang pangalan mo. Sumigaw ulit ang puso ko. Hinawakan ko ang kamay mo na parang gusto kong matunaw ang mga balat mo para dumikit sa aking balat, makipag niig sa aking mga ugat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: