Sara Rebecca ng buhay ko


imageSa pagkakalam ko, dalawang taon na niya akong inaawitan na magsulat ng blog para sa kanya. Siguro isa un sa mga magiging representasyon ng pagkakaibigan namin. Pero laging hindi ko nagagawa, hindi dahil ayaw ko kung hindi dahil naniniwala akong ang lahat ng bagay ay may tamang oras.

Sisismulan ko sa pagpapakilala sa kanya. Nakilala ko sya noong 2011, isa siya sa mga “trainees” ko. Bago sa larangan ng industriya na kung nasan kami ngayon, mukang inosente at wala pang alam sa magulong mundo ng bpo, mahiyain, laging kinakabahan pero alam mong sinusubukan. Tipikal na “Virgin” sa isang bpo industry.
Unang kita ko pa lang, alam ko ng madali syang impluwensyahan. May akkaiba siyang ngiti dahilan rin siguro sa biloy niyang nakalagay sa ilalim ng mata niya at gitnang parte ng pisngi. Kung magiging detalyado ako sa pag-kekwento kung paano kami naging malapit sa isa’t isa ulang ang isang blog entry. Basta, natatandaan ko ang unang tanong ko sa kanya na personal ay kung, marunong siyang mag gitara.

image

Sabi nga ng mga karamihan sa opisina sya ung “alaga” ko at “side b” ko. Parang nakababatang kapatid na ang tingin ko sa kanya. Sobrang tigas ng ulo niya pero kapag kinokompronta ko siya marunong siyang makinig at magpasalamat. Kapag may mga bagay kaming di maintindihan sa isa’t isa pinipili padin naming makinig at umintindi, dahil ung ang tunay na pagkakaibigan. Wala akong matatagong sikreto sa kanya dahil komportable akong magsalita.. na tipong hindi ako natatakot na huhusgahan niya ako. Nakakatuwa ung pagkakaibigan namin kasi hindi pa siya nagsasalita alam ko na ung sasabihin niya, kahit madalas nagseselos ung nobyo niya (Insert belat face here) Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko, sa sobrang lapit namin maari siyang pumunta sa bahay at tumambay kahit wala ako. Alam na din ng nanay ko na sobrang paborito niya ang hotdog at pancit canton. Hindi man kami palaging nag uusap dahil magka layo na kami ng lokasyon ng trabaho, natutuwa ako kasi binibigyan pa din niya ako ng oras. Nakita ko ung mga pinagdaanan niya sa buhay niya sa loob ng tatlong taon, masasabi kong hindi biro. Talagang saludo ako sa pagmamahal mo sa pamilya mo at pagpapanatili ng tiwala nila sayo. Pero lagi mong tatandaan na hindi ka nabubuhay dahil sa “expectations” nila. Ikaw ang pinaka responsable sa mga “choices” mo at hindi magandang mamatay ng puro pagsisisi. Hindi ka man nakakulong pero wala kang kalayaan. Malaya ka at hindi nakakulong sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid mo.

image

Parang iisipin niyo na normal lang ung pagkakaibigan namin, kahit sino may ganitong kaibigan. Pero mali kayo, hindi dahil sa kagustuhan ko lang na sabihin na mali kayp pero alam kong regalo sakin ang pagkakaibigan namin ni Sara Rebecca. Ayan, may blog post na ako sayo. Wag mo to ipagkakalat baka kiligin sila.

image
Nga pala, Maligayang Kaarawan Janayon! Sa loob ng tatlong taon nating pagkakaibigan nalibre mo na rin ako sa wakas noong isang linggo. At hindi ko na gagawin ang ‘Harsh Pose” mo, hindi talaga maganda. At pangako sa susunod na gig ng banda mo (na ewan ko kung magaling ba talaga) manonood ako.

Sinadya ko talaga na yan ang mga litratong ilagay, para ngumiti ka. May mga “malamim na ibig sabihin sa iyo ang mga alaala na yan”. Mahal kita, kaibigan kong oso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: