At ang Weekend sa Baguio


Ayaw ko ng bulaklak pero parang gusto ko ng Sunflowers sa kwarto ko.

BAGUIO 243

At tamang kwento ako ngayon ng aming Baguio Weekend Trip noong kaarawan ng kapatid ko. Umalis kami ng Biyernes (Dec. 13, 2013 at umuwi kami ng Linggo Dec. 15, 2013) Unang beses na pupunta kami sa lugar na to na magkakasamang magkakapatid. Oo, hindi kasama mga cool kong magulang kasi “Busy sila” (alam na namin un at di na kami heartbroken kapag sinasabi nila un)

BAGUIO 144

5

Dapat daw may litrato kami sa lugar na ito na nagsasabing “Ang Franco Kids ay nandito”

BAGUIO 144

BAGUIO 185

BAGUIO 208

Masasabi kong itong “Weekend” na ito ay isa sa pinaka masayang “weekend” ko. Hindi lang dahil nasa Baguio kami kundi dahil kasama ko mga kapatid ko. Kung malapit ka sakin, alam mong I have the coolest siblings evah. Marami kaming mga pagkakaiba pero masaya ako kasi kapatid ko sila dahil, dahil… alam nila ang tunay na ibig sabihin ng  pag-ibig, ako ang laging may huling sabi sa lahat ng pag-uusap (madalas pala) at alam nila ang pagiging kapatid. Bawal kaming banggain (Kita niyo naman sa size diba? ako lang at ang bunso namin ung mapayat)

Dumating kami sa Baguio ng gabi ng Biyernes, nagustuhan ko ng byahe namin papunta dahil sa soundtrip ko. Binuksan na namin ung bintana noong malapit na kami sa Baguio dahil maginaw na. Roadtrip + Mumford and Sons na sound trip = Parang Heaven. Nakatipid din kami sa transient house na nakuha, may wifi, maraming kama, mainit na tubig at cable tv. Mabait pa ung may-ari, at dun din kami babalik kapag bumalik kami. Wala pala akong disenteng litrato ng bahay na tinirhan namin pero nag instagram that sh@# ako.

1510693_10152313037788787_2040233096_n

Unang gabi namin pumunta kami sa Night Market, ito ang pinaka mahabang ukayan na napuntahan ko. At sa sobrang dami ng nakita kong Ukay, ang gaganda pa. Wala akong nabili. Nalula lang ako, patawad kung akala niyong magaling ako sa Ukayan. Nadismaya ko kayo sa pagkakataon na iyon.

IMG_9755

IMG_9759

IMG_9781

IMG_9820

IMG_9860

May malaking skate park sa Baguio at dahil kasama namin si Dabeng, kailangang dumaan dun para i-meet ang kanyang mga skater friends. Hi daw sabi ng kapatid ko sa likod.

IMG_9862At natapos ang gabing maginaw.

BAGUIO 231

BAGUIO 244

BAGUIO 110

BAGUIO 126

BAGUIO 117

BAGUIO 173

BAGUIO 183

Isa sa mga nagustuhan ko sa lugar na ito ay ung mga ngiti ng mga tao. Masayahin sila at kapag ngumiti ka sa kanila ibabalik nila un sayo. Jackpot! Ibang iba sa Maynila… siguro dahil na din sa polusyon at trapik at kung ano ano pa. Tignan mo tatawid na nga lang, nagtatawanan pa… buti na lang may traffic enforcer para di sila masagasaan.BAGUIO 100

BAGUIO 163

BAGUIO 142

BAGUIO 062

BAGUIO 162

BAGUIO 177

At kami ay namasyal kahit saan kami dalhin ng paa namin. Parang kumakain ako ng ice cream habang naglalakad kasi hindi mainit. Kung maari lang akong tumira sa lugar na ito ng ilang buwan, kaya kong gawin. Kaso hindi ko kayang tumagal… baka mapudpod agad sapatos ko eh.

BAGUIO 210

Pakiramdam niya Carpet ang damo sa parke. Sige lang, dumihan mo pa damit mo.

1

BAGUIO 060

Tinapos namin ang huling araw sa Baguio sa pamamagitan ng pagpapaka busog sa 50’s Dinner.  Hindi kumpleto ang Baguio trip pag wala nito. Sa totoo lang marami din kaming nakainan.. kaso mas pinili ko kumain kesa kumuha ng litrato.

BAGUIO 253

BAGUIO 259

BAGUIO 276

Ang poging bata na pinaglalaban ang bangs.

BAGUIO 275

At hindi ko to naubos. Malamang!

BAGUIO 287

Siyempre hindi mawawala ang “Iska was here” ko na litrato. Bakit nakabaliktad? Gusto ko lang. Kung ise-save mo ang photo na yan tapos rotate mo, sige lang. Mabuhay ka!

Hanggang sa susunod, City of Pines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: