I need you for my art.


Sana kailangan kita.

Sa ngayon hindi ko pa masasabi pero sana kailanganin kita. Sana maari, sana pwede, sana.
Sana tayo lang ang nakakaalam kasi tayo lang ang nagkakaintindihan pero alam naman natin na walang sikretong matatago habang buhay.
Siguro nga ikaw ang sikreto ko na kahit mabunyag ay mananatiling sikreto parin.
Sana kailangan kita, sana pag gising ko sa isang taon ganito parin tayo. Ganito, alam mo na un.
Sana tama, mas nakakabuti. Ayaw kong sabihin na natatakot ako pero iyon ung nararamdaman ko.
Dapat nalalabanan ang emosyon pero pag magkasama tayo nahihirapan ako.
Hindi ko alam kung paano naging ganito, malamang alam ko pero pinabayaan ko lang. At hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod.

Pwede kong sabihin na ginulo mo ang buhay ko, siguro isang rason un kung bakit tayo nagkakilala. Pero madalas gusto kong isigaw na guluhin mo pa. Tulad ng relasyon ng papel at panulat. Tulad ng kung anong meron ang mga wala.
May mga pagkakataon na parang sasabog ung dibdib ko sa kaba kapag iniisip ko ang mga posibilidad. Hindi maari. Hindi maari, pero nangyari at alam kong mangyayari pa.
Ginulo mo ang buhay ko. Salamat.

Ikaw ang pagdududang gusto kong kapitan. Ikaw ang di siguradong gusto kong ipaglaban. Mabigat na salita pala ang ipaglaban. Pero ayaw kong bawiin kasi naisulat ko na, hindi ko babawiin pero alam kong masasaktan kita.
Hindi ko nga namalayan na nagsusulat na ako tungkol sayo, tungkol satin.
Alam mo ung pakiramdam na gusto kong magsulat tungkol sa atin pero wala akong manahap na salita para sambitin. Kasi kahit tahimik tayo, may nangungusap padin.

Ang tanong, hanggang kelan?
Tatapusin ko to hanggang sa hindi ko na matapos. Sana kailangan mo ako.

3 Responses to “I need you for my art.”

  1. Parang I’ve been there, I’ve done that.🙂 HAHA! Isa lang masasabi ko Bee, masaya na masakit ipaglaban ang hindi naman talaga dapat ipaglaban. Nakakatakot na sa bandang huli… sa kabila ng lahat ng naipaglaban na, hindi pa rin pala pwede. Pero sabi nga, take risks in love. (Teka love nga ba ang topic?)😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: