Huwag mo akong gisingin, plano ko pang matulog ng madalas.


May mga umaga talaga na pag gising mo gusto mong matulog na lang ulit. Pero gusto mong nakadilat parin. Bakit? Kasi may mga pagkakataon na mas gusto mong manood na lang kung paano mas maging tahimik ang mga bagay kasi tahimik ka. Alam mo ung nangyayari, at mas mabuti pang huminga ka na lang ng malalim para mas maintindihan mo ang mga bagay. Tunay nga na sabi nila ang mga babae at emosyonal, pero sinusunukan kong walang mailabas na emosyon.

Gusto kong manood ng pelikula na magugulo ang isip ko. Gusto kong maglakad mag-isa tapos di ko alam ung pupuntahan ko, kung saan na lang dumapo ung paa ko. Gusto kong makinig sa mga kantang mapapasulat din ako. Gusto kong umupo maghapon sa ilalim ng puno tapos tumingin lang sa ulap. Gusto ko ng bago pero sa tuwing gagawin ko na, mas gugutuhin ko na lang humiga at magnilay nilay dahil mas matimbang ung nagsasabi na sakto na ung nakasanayan na. Gusto ko ng inspirasyon, ito ata ung tinatawag ko na “The Artist in Me” na magulo sa iba pero sa akin ay kapayapaan.

Hindi ako pagod, ayos lang ako. Hindi ako malungkot, naghahanap lang ako ng bagay na hindi ko alam. Mahirap aminin kahit hindi naman talaga iyon ung ibig mong sabihin. Ngayon ko lang ulit ito naramdaman pagtapos kong makita ulit ang mga litrato ng pelikulang “Lost in Transition”

tumblr_mwn0234ZcR1qcy67io1_500

4 Responses to “Huwag mo akong gisingin, plano ko pang matulog ng madalas.”

  1. huwag puro tulog. dapat may gising din.😀

  2. parang gusto mong ma-“inspire”

  3. Gusto ko sa Neverland…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: