Sige, paki explain. Labyu!


Buti na lang maaring makinig ng isang album sa youtube.com. Salamat din sa mga kanta ng Barbie’s Cradle dahil kahit may sakit ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Maulan ang araw na ito at hindi ako nakalabas dahil wala akong payong.. kung hindi dahil may sakit ako.
Oo, kailangan pa talagang ikwento na may sakit ako. At habang may sakit ako nagba-blog pa ako.

Hindi benta sa akin ung “Paki Explain, Labyu!” Magaling si Michael V. pero nasobrahan na ata tayo ng Vice Ganda at Senyora Santibanez kaya parang goya na lang ng kisses si Donya Ina. Nakakasawa din talaga mag facebook, kaya hindi ko lubusang maisip kung bakit may mga taong online 24/7. Ginawa ng dyaryo ang newsfeed. At speaking of newsfeed, wala akon panahon sa love life ni Freddie Aguilar. Ang dami kasing taong todo maka react kala mo close sila, pero kung iisipin natin. Public Figure siya kaya para tuloy si mochi ice cream na pinag pepyestahan.

Hirap kasi sa atin, madami tayong gustong sabihin pero hindi naman tayo marunong makinig. Tulad ko ngayon, todo type kala mo naman gagaling ako kapag nakapag blog post ako ng sampu. Dapat kasi talaga balanse, bago ka mag demand dapat kaya mo din ibigay. Bago ka magreklamo na ganyan ung nakikita mo, siguraduhin mo munang hindi ka naka shades at nakikita mo ang sarili mo sa salamin. Sasabihin mo dapat ganito siya, eh ikaw hindi namna ganun. Luh!

Napatigil ako sandali. Hindi nga pala magtatagal ang buhay ko dito sa mundo.
Ngayon problema ko kung paano ko tatapusin ang nasimulan kong ito.

Background Music: Playing in the Fields by Barbie’s Cradle

7 Responses to “Sige, paki explain. Labyu!”

  1. Dapat kasi talaga balanse, bago ka mag demand dapat kaya mo din ibigay.

    ouch. hahahaha! yan pala yung paki explain na uso daw sa fb, tinanong ako katrabaho ko kahapon bakit usong uso daw ang ‘paki explain’ sabi ko saan yun? sabi nya sa facebook magbasa ka kasi, sabi ko saan ko naman babasahin? at na realize nya na wala akong fb hahaha

  2. salamat sa pagsubaybay mo sa aking munting blog!πŸ™‚

  3. Yung una lang ang ok next thing wala na pilit naπŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: