Food Trip: Vanilla Cupcakes & Go-En Ramen Shoppe


IMG_0763

Uunahan ko na kayo, hindi ako mahilig sa matatamis na pagkain. Pero noong narinig ko ang lugar na ito, dali dali kong niyaya ung mga kaibigan ko kasi gusto kong uminom sa baso nila. Un lang ang mababaw kong dahilan. Maganda ang lugar, makulay, pang babae, kaya pala dito nag mi-meet up ung mga cosplayers kasi talagang tea place ng babae ang peg.

IMG_9966

At ang kasama ko ay sila Sunday, Yssa, Jhacks, Fiona at Christian. Mahilig sila lahat sa matatamis, kaya masaya na din ako.

IMG_0710

IMG_0733

IMG_9970

Ung mga presyo ng mga cupcakes nila, medyo mataas siguro kasi dun sa lugar din… masarap ung tinapay, kaso ung icing medyo nalalasahan ko ung asukal. Siguro hindi lang talaga swak sa panlasa ko kapag sobrang matamis. Pero kung mahilig ka sa matamis, subukan mo to at uulit ka. Saka ung mga kutsara at tinidor nila, Cath Kidston. Cute lang.

_MG_9991

Napaka “Dainty” ng lugar. Pinag uusapan nga namin kung ganito ang kwarto namin, hindi kami makakatulog dahil sobrang malilit ung mga details at design. Maliwanag ung mga ilaw, maraming tao, pero hindi ganun kaingay.

IMG_9956

___ De Leche ung cupcake na ito, di ko matandaan pero nasa 80php ung presyo. Masarap kahit matamis, nagustuhan ko.

IMG_9953 (1)

Meron din pala silang Pasta, masarap naman kaso medyo may kamahalan at ung serving pang isahan lang talaga.

IMG_0762

At ang nagpasaya sa akin sa gabing un, itong inumin ko at ang baso ko. Hindi siya matamis, napaka refreshing niya. “Cucumber Mint” ang flavor at para kang uminom ng salad, pero gustong gusto ko. Nasa mga +100php ang presyo.

IMG_0714

IMG_9958

Parang cereals ung lasa, para kang nag aalmusal. Napaka tamis.

IMG_9957

_MG_9993

Paalam Vanilla Cupcake, isang matamis na lugar. At babalikan ko yang “Cucumber Mint Drink” Niyo. Kung gusto niyong makatikim ng matatamis na pagkain, punta lang sa TriNoma.

Next Stop:

IMG_0004

Nakita kasi namin ung AD sa FB tungkol sa “Ramen Burger” kaso medyo namahalan ako. Alam mo naman ang gastos ngayon. At alam naman ng tao na mahilig ako sa “Cheap Finds” pagkain, damit.. basta wag lang cheap na pag-ibig at pagkakaibigan. #Tsarlot

Nahanap namin itong lugar, hindi nga namin alam ang papunta talaga. Kaya galing sa TriNoma kami ay nag Taxi, at nagtanong tanong kung saan itong lugar na ito. Pero kami ay naging saksespul dahil nakita namin. Nagtatago siya sa likod ng “Will Tower Whatever”

IMG_0007

Mababait ang mga crew, walang masyadong tao nung dumating kami kaya asikasong asikaso kami. Nakikita mo kung paano niluluto ung pagkain kaya elibs din. Isang Malaking Check.

IMG_0008

IMG_0010

Ito ang pinaka paborito kong lugar, ang Manga Stand nila. Meron pa dung “From me to you” Di ko sinasabi na mahilig ako sa manga, kasi mainstream. Pero magagaling ang mga Japanese Artists at Writers. Saludo ako sa kanila, kaya pagtapos naming kumain.. naupo kami dito at namangha.

IMG_0028

At si Christiam, dahil nakakain ng matamis kinukulit ang staff at crew na Go-En at nagpapaturo mag chopsticks.

_MG_0059

Ayun na ang Ramen Burger. Ang cute nila tignan. Noong una nga parang ayaw pa naming kainin kasi ang cute lang. 150php ang isa, pero alam niyo sulit.. dahil busog kami lahat.

_MG_0089

At ang Japanese Curry Rice na sobrang malapit sa akin puso, wala pading tatlo sa Katsu Curry Rice pero dahil sa presyo nito masasabi kong tama ang timpla.

_MG_0093

O ayan ang Ramen Burger na sampung minuto naming tinitigan.

IMG_0787

Ito ang kanilang appetizer na talaga namang masarap. Ako ata umubos nung sa kanila.

_MG_0136

At ayan ang aftermath, pagtapos kami ay naglaro ng “Japanese Yoyo” hindi ko kasi alam ang tawag pero parang yoyo na ewan kaya un na lang.

Katulad ng sabi ko, mahilig ako sa foodtrip.. lalo na kapag kasama ang mga kaibigan ko. Mahilig din ako kapag mas makakatipid kami, importante ang budget sa lahat ng bagay lalo na kapag pawis at dugo mo.. at ikaw ang kumakayod.

Masaya ko ng Biyernes na ito, dahil sa kasama ko sila sa isang gabi ng Adbentur na ito. Hanggang sa muli, prends!

_MG_0133

At siyempre hindi mawawala ang posing ko sa lugar na ito. Parang ito ung pagsabi ko ng.. “Franchesca Jinel was here”

12 Responses to “Food Trip: Vanilla Cupcakes & Go-En Ramen Shoppe”

  1. photographer oh🙂 sana makapunta rin ako dyan ,, pero baka d ako kumain sa mahal, 80php for a piece of cupcake? hahaha

  2. parang ang sarap naman ng food nila! :)))

  3. Hello,
    Just wanted to say ‘thank you’ for featuring us on your blog.
    Cheers,
    go-en The Japanese Ramen Shoppe
    http://www.goenramen.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: