Ung politika ndi lang madumi, madrama pa. Parang episode yan araw araw… hanggang sa mabaon na lang sa limot.


d970ba1b-0762-472f-8f8d-fed23dfadfc0_CCF08292013_00003

At ito ang photo ni Napoles na kumakalat sa facebook Newsfeed ng lahat ng may facebook. Alam ko naman na lahat ng Pinoy na may facebook ay kilala na si Napoles. Oo, totoo ang chismis… mas mabilis mo pang malalaman ang balita sa facebook kesa sa Media. Dahil lahat ng pinoy, online 24/7. At syempre lahat may sinasabi, hindi ko pinangangalandakan na bawal ang malayang pagsasabi ng Opinyon. May bibig tayo at utak, un nga lang madalas hindi natin nagagamit ng maayos.

Lahat kasi tayo may masasabi at nasasabi kaya walang nakikinig. Magaling lang tayong magsabi pero makinig wala tayong masyadong talento dun.

Noond unang marinig ko ang Napoles na balita. Ito ang mga tanong na namutawi sa utak kong magulo.

“Nakakatulog pa kaya siya gabi gabi?”

“Saan naman niya kaya dinala ang mga pera?”

“Bakit kasi nag blog pa itong anak niya, di na lang nanahimik”

“Close ba talaga siya sa iba pang mga kurakot?”

Totoo, hindi pa napapatunayan na si Napoles ang may kasalan pero alam na ng maraming tao na siya ang Utak sa Krimen na ito. Sabi ko nga sa facebook status ko, ang politika ay parang telenobela… araw araw ibang episode. May drama pang nalalaman. Sabi nga ng madami… ayan si Napoles.. magkakasakit na naman.  Tapos mauulit na naman, madami na ring Napoles joke ang nabubuo. Hindi naman ako makapg react sa fb kasi status nila un, minsan kasi kaya ndi din tayo sineseryoso.. kasi hindi rin tayo marunong mag seryoso. Seryosong bagay to, mga kaibigan. Hindi ito isang issue lang na nagmula sa internet.. kaya kung tatawanan mo lang ung issue na ito at mag “meme” ka pa. Please, i-hide mo na lang wall mo. Medyo hindi nakakatulong. Nakikisawsaw lang…

Kaban ng bayan ang usapan, isa ako sa mga nagbabayad ng dapat bayaran.. tapos wawaldasin lang ng Napoles na un?

Aba, #MedyoBadboy naman po tayo diyan.

Pero bigla kong naisip kanina. Lahat naman ng may kapangyarihan may kahinaang tinataglay na abusuhin ang kapangyarihan at gamitin sa mali. OO NA! MAGNANAKAW NA SI NAPOLES. MALI ANG GINAWA NIYA. NINAKAW NIYA ANG KABAN NG BAYAN. EH IKAW? HINDI BA? KAHIT KABAN MAN YAN NG NANAY MO, NAGNAKAW KA DIN. SINO ANG HINDI MAGNANAKAW SA ATIN? 

Wag kayong mag alala, hindi ko ipaglalaban si Napoles. Maganda lang na balansehin ang mga bagay bagay. Pangit kasi pag extreme na… kala mo minsan kung sino na tayo para makapag salita ng masama sa kapwa. Sino ba dito ang walang kasalanan?

Naisip ko nga, paano kung nabubuhay pa si Hesu Kristo… tapos Si Napoles ung babaeng “Prostitue”… lalapit sa kanya si Hesus tapos sasabihin din na.. “Batuhin niyo si Napoles, kung kayo ay malinis.. kung kayo ay walang kasalanan” Hihingi kaya ng tulong at tawad si Napoles? Ang mga tao ba ay hindi siya babatuhin?

Masasabi ba nating unfair ang Panginoon? Pero may punto diba? Totoo, dapat parusahan si Napoles kapag napatunayan na siya ay may kasalanan. Pero hindi lahat tayong Pinoy ay magpaparusa sa kanya. Kung naiinis kayo at sasabihin na.. “ganyan naman talaga, wala na namang mangyayari dyan” Madalas, ganun ang nangyayari kasi lahat maduga. Lahat may kasalanang ayaw aminin. Lahat may gustong sisihin. 

Hindi porket alam natin ang tama… aasta na tayo na sobrang dungis at marumi ni Napoles. Ang Panginoon ay tumutingin sa puso ng tao.. Wala tayong kakayahang gawin un. Alam Niya ang ginagawa Niya, at hawak Niya ito. Ang mga paraan ng Diyos ay iba sa paraan ng tao. Pero humanda si Napoles dahil lagot talaga siya.. Binigyan siya ng responsibilidad at inabuso niya ito. 

Kung ako ang tatanungin niyo. Oo, nadidismaya ako sa politika.. kaya nga hindi ako botante. Hindi naman sa wala akong pakialam sa bansang Pilipinas. Pero hindi lang sa paraang pang gegera, pananakit gamit ang internet, panghuhusga kay Napoles.. mo maipapakita na Mahal mo ang bansang Pilipinas. Maipapakita mo un, kung araw araw sinisikap mong maging mabuting mamamayan. Kung araw araw ginagawa mo ang “role” mo dito sa Bayan mo.

Nagaglit ka kay Napoles pero ikaw ang lahat mo magtapos ng basura sa kalye, Ikaw lagi kang nanduduga sa pila ng MRT, Ikaw nangongotong kadin, Ikaw! Ikaw! Maari mong sabihin na, “Bakit, hindi biro ung ninakaw ni Napoles.. kaban ng bayan un” 

Uulitin ko, kahit kaban man yan ng Nanay mo o ng Bayan.. Pagnanakaw din un. Pagbabayaran natin un. Lahat tayo may ibat ibang “role” na ginagampanan. Si Napoles hindi niya nagawa ung role niya ng matiwasay.. kaya ngayon siya ay nagdradrama.. ay nagbabayad pala. Ngayon, ikaw? ano naman ang “role” mo? Nagagawa mo ba? O baka Napoles ka din? At tulad ng mga ibang politiko?

Lahat tayo ay responsable sa ating ginagawa, at darating ang araw na huhusgahan tayo base dito. 

Pakiusap, kalma lang mga kababayan. Hindi natatapos ang pag-ikot ng mundo. Wag tayong masyadong maalam, kahit sa totoo ay hindi naman talaga natin naiintindihan.

Uulitin ko.. hindi ko kiakampihan si Napoles. Heller. Taxpayer ako! Lagpas __k ang tax na binabawas sa akin tuwing sahod. At sa mga binibili ko. Apektado ako. May concern ako sa Pinas.. Pero hindi ko maaring alipustahin si Napoles. Hindi naman ako ung Judge. Biktima maari… pero ung sabihin siya na PORKY MAGNANAKAW.  Bakit kung ikaw ba nasa posisyon niya.. sigurado kang hindi mo magagalaw ung kaban ng bayan? Kahit ba sa buong buhay mo hindi ka pa nang uumit.. kahit piso? Lahat tayo madumi, ang Diyos ang malinis at Siya ang naglilinis. Wag extreme. Ipanalangin na lang natin na mabigyan ng hustisya ang Krimen na ito. At isipin natin kung paano tayo makakatulong sa bansang Pinas.

Keep Calm, It’s more fun in the Philippines padin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: