Pang Siyam na taon, two big.


chins 043

Oi!!! Happy 9th Anniversary Pogi at Seksi!

Wala ng patumpik tumpik dahil hindi  naman kami PDA kahit sa mga social networking sites. Dahil un ang goal namin.

Akalain mong naka siyam na taon na kami. At alam kong medyo may ideya ka na rin kung ano talaga ng lab story namin.

Salamat sa Panginoon dahil pinagtagpo Niya kami… pinili namin ang isa’t-isa.

May mga katanungan ba kayo sa aming relasyon?

Mag comment lang, kahit anon sasagutin ko.

Naalala ko may nagtanong sa akin kung nag cheat daw kaming dalawa sa aming relasyon. Oo, parehas kami. Pero nagsisi kami dun at buti na lang naintidihan namin ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig. Oo, naghiwalay kami ng pitong buwan kasi ang relasyon dapat ay nakakatulong at totoo.. kaso nung mga panahong un hindi na ganun kaya time out muna.

Tapos nagbalikan kami noong parehas na kaming may tamang relasyon sa Panginoon. At ayun, hindi na kami naghiwalay pagtapos nun. Oo, nag aaway padin kami tulad ng normal na relasyon. Wala namng perpektong relasyon. Pero ang relasyon namin ay hindi na para sa sarili naming kasiyahan. Oo, naging suspect kami ng maling pag-ibig at nakakalugod isipin na ang Diyos ay nagbibigy ng pangalawang pagkakataon. Hindi lamang pangalawa dahil araw araw ay bago sa Kanya. Nangako kami na hindi na kami babalik sa nakaraan at nakagawian. Sa tulong ng Banal na Espirito at Grasya ng Diyos.

Noong araw namin, parehas kaming busy pero sinundo padin niya ako at hinatid sa bahay. Alas otso ng gabi niya ako binati dahil un ung oras na naging kami. Tandang tanda pa Niya. Kaya lumipas muna ang tatlong araw bago kami nag “celebrate”.

Noong araw na un, nag isip kmai ng kakaibang paraan para maging espesyal ang araw namin. (Kahit nga belated na). Naglaro kami ng Hide and Seek sa isang Mall. Walang gamit na phone, magtatago ako at hahanapin niya ako tapos magkikita lang kami sa iisang lugar. Nakakatawa, kasi nakatakas ako kaso nakita pa din niya ako. Noong napagod na kami, kumain na lang kami.. kasama ang isa sa malapit naming kaibigan.

chins 033

Pizza at Pasta para sa gabi ng Selebrasyon.

chins 021

chins 034

chins 035

chins 049

chins 020

chins 058

Happy TwoBig!! Tubig!

4 Responses to “Pang Siyam na taon, two big.”

  1. minsan nga ganun talaga, dun mo malalaman na mahalaga sa iyo ang isang tao kapag nag-cheat ka (do i make sense lol). buti na lang hindi bumitaw sa akin yung wife ko kaya i am happy as ever!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: