My Binond ghurl10z_ggnaPhoes


chinatown 013

At nagkaroon ako ng My Binondo Experience.
Tunay nga na mahilig ako sa pagkain at sinsisigurado ko na may mga paraan para makatipid.

Ang kasama ko nun ay si Harsh at si Dabeng (dalawa sa mga alaga ko). Ang original na plano ay mag aalmusal sa Binondo ng noodles. At alam niyo naman ang pag-ibig ko sa noodles.. parang pag-ibig ng kabataang babae kay Daniel Padilla.

aaaaaa

chinatown 007

chinatown 023

Tamang lakad, tamang kwentuhan. Tamang photo ops. Unang beses nilang dalawa na nakarating dito sa lugar na ito.

chinatown 056

At bago kami kumain, binusog muna namin ang aming mga sarili sa aming nakikita. Sa mga tao, sa mga kalsadang sobrang ingay dahil sa halakhak at sigawan ng mga tao. Magulo, Ito ang gusto ko minsan. Hilaw na tunog ng mundo. Sariwa pa sa pang madaling araw na gulay. Ang mga Manong na nakabilad na sa araw habang may hawak ng isang tasa ng Kape at ang mga iyak ng bata na akala mo ay ugong ng duyan sa tanghaling tapat.

Naghanap kami ng Chinese Sari sari store, para magmasid at para malaman kung ano ano ba ang mga nilalako nila. Naghahanap din kami ng Chinese Ice Cream, kaso nabigo kami. Pilosopo pa nga ung tindero sabi sa Mini Stop daw may Ice Cream. Sabi na lang namin. “K. po”

chinatown 057

Sinubukan na lang namin ung Lemon Black Tea nila na humigit kumulang bente pesos ang halaga. Syempre hindi sila nasarapan pero ako, kilig na kilig.

chinatown 058

May isa kaming napuntahan na kainan kaso hindi pa bukas at hindi sila friendly… parang wala lang. Hindi man lang kami nginitian. Saka #MedyoBadBoy ang amoy ng lugar.

Lakad pa kami… hanggang sa may nakita na kami na pwedeng kainan sa murang halaga. Tinanong namin sila kung ano ang Best Seller nila, at ang sagot nila ay Noodles! At ung matamis na nakalimutan ko na eh. Pero masarap.

chinatown 065

Solo Picture ni Harsh, saya niya diba? Hilig din kasi niya ang kumain.

chinatown 067

At ang Free Tea nila…. para daw pang set ng Mood. Cute ko diba?

chinatown 069

Parang Chicken Nuggets ung itsure pero matamis at masarap.

chinatown 075

chinatown 079

Hindi ko naiintindihan ung mga pangalan ng pagkain nila. Pero ung inorder namin ay Mami at ung Pansit na Kakaiba.. may meat at Chicken.

MASARAP TALAGA! NASA CLOUD 9 AKO NOON DAHIL PAKIRAMDAM KO NAKIKIPAG TALIK AKO SA MGA NOODLES!!!! EL PABORITO.

chinatown 082

At kailangan ng “Masaya Aprub sa Olrayt Pose”

Todo lakad kami doon at nakapunta kami sa isang lugar na walang tao, doon kami tumambay.. nag-usap at gumawa ng Video.
Ipapakita ko sa inyo ang link mamaya.

chinatown 092

chinatown 113

At ang masaya pa dun, may autograph si Harsh na kwela. Una ko tong nakita sa Bookay Ukay, ngayon binabenta narin pala Online. Panalo.

chinatown 124

chinatown 141

Ang aking bagong telepono na ibinigay sa akin ng Nobyo.

chinatown 036

chinatown 054

At ang Binondo sa mata ng mga Paslit.

At ito ung Acting Video Nila:

 http://www.youtube.com/watch?v=DpgBaISaZgw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: