Isang bukas na Liham


At sa mga sandaling iyon, nalaman kong may saysay ang mundo.

 

Parang nasa marathon ang tibok ng puso ko. Gusto kong pigilan pero wala akong kakayahan. Hinayaan ko na lang… Akala ko hindi lalagpas ng dalawang minuto pero damang dama ko pa rin makalipas ang tatlo. Hindi ko man palaging nakukuha ang gusto ko, alam ko naman na lahat ng kailangan ko ay maibibigay sa akin. Kailangan ko lang maging handa para sa mga ito. Tama na ang katagang, “Ang paglimot ay mas mahirap pa sa pag-aalala”. Ayaw ko na, nag desisyon na ako hindi na ako papatalo. Hindi na ako babalik sa nakaraan. Lumingon, maari… hindi para maging balakid kundi para maging hamon sa aking ngayon para sa paghahanda sa aking kinabukasan. Hindi pa huli ang lahat. Ang Diyos ay nagbibigay ng walang katapusang grasya at nakakatunaw na awa. Hindi pa huli ang lahat, may pagkakaton pa para magdesisyon na itigil na ang mga bagay na nakakahadlang sayo para ikaw ay mabuhay.

Ayaw ko ng ipaglaban ang mga bagay na wala namang kwenta at hindi nakaka-apekto sa kabutihan ko. Hindi na ako papayag na magising pero parang tulog. Ayaw ko ng maging hindi maayos. Ayaw kong mapasma para lamang malaman ko ang katotohanan. Matagal na akong bumabyahe pero hindi nakakarting. Gusto kong lumago, hindi lang makaraos. May mga dahilan para manghina ako, pero hindi ko na iyon gagamitin para tumigil at manlumo ako.

Gusto kong makarating sa paroroonan ko. Gusto kong lumago.

At sa mga sandaling iyon, nalaman kong may saysay ang mundo.

One Response to “Isang bukas na Liham”

  1. Hindi pa huli ang lahat, may pagkakaton pa para magdesisyon na itigil na ang mga bagay na nakakahadlang sayo para ikaw ay mabuhay.

    >> Great realization, dear!🙂 Yan din ang mga bagay na napagdesisyunan ko recently. And tama ka, maging mabuti sa lahat ng gagawin sa buhay. It affects everything. Good morning!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: