Kamusta ka? Ikaw ba’y masaya? Humalakhak…


Naisip ko na dati na magkaroon ng 365 Project pero hanggang ngayon tinatamad pa rin ako at hindi ko alam kung anong project. Marami ng Photo a Day, Song lyrics a Day, kahit ano pang “A Day“. How about… Suklay A Day? Kaaway A Day? Drama A Day??

Ayaw ko.. pa.

Lamigin talaga ako, naka jacket na ako’t lahat nilalamig padin ung kamay ko. Malamig ba sa Pinas o ako ang may problema?

Tatlong linggo na akong iika-ika kung maglakad dahil sa pilay sa paa. Kung ka FB mo ako, alam mo ung napaka gandang dahilan kung bakit ako nadisgrasya. Masaya ako kasi tag ulan na, hindi dahil sa mga bagyo pero dahil sa masusuot ko na ung mga damit ko ng maayos. Pang lamig kasi talaga karamihan. Pero sana walang bagyong malala ngayon taon, kaso pasira narin ang kalikasan kaya ang bunga ng bagyo ay baha at sakuna. Random ako? Sa tingin ko din.

Nagbabawas ako ng timbang ngayon dahil nung nagbakasyon ako ng 3 linggo sa trabaho wala akong ginawa kundi kumain at manood sa youtube ng KoreanNovela, pahinga ko na din kasi un. Hindi kasi uso sakin ang tulog bilang pahinga.. ang tulog sakin tuwing gabi lang. Hindi ko kaya ng walang ginagawa pero may mga sabado na gigising ako na gusto ko pang matulog kaso hindi pwede. Bawal ang tamad! Bawas na rin ang kain ko, balik sa dating dyeta at inaantay ko na lang na gumaling ung pilay ko sa paa para makapag jogging na ulit ako tuwing hapon.

Natutuwa ako sa bago kong Camera. Canon 60d  kasi ang ganda. Simpleng dahilan? Binigyan ko siya ng pangalan. Bimyong Otso.
Bimyong- Korean Word na ibig sabihin ay “Scream” at Otso- sa Hebrew ang ibig sabihin ay “In abundance“. Screaming in Abundance. Pakiramdam ko kasi sa bawat click ng shutter sumisigaw ang camera. Oha! Oha! Kaya kung gusto niyong magpa photoshoot, birthday, kasal, lamay, kahit ano. Sabihan niyo lang ako at ilagay ang suking tindahan.

Grumaduate na ako noong Marso pero nag aaral ulit ako ngayon. Masarap ang Mag-aral, masaya ang I-manage ang schedule.  Masaya ang magtrabaho at mag-aral. Aja!

Buwan ng Hunyo, may French Fims Festival (Punta tayo!), Fete Dela Music at may Tagaytay Fellowship ako na pupuntahan.
I know, Greater things are yet to Come.

Pinapanalangin ko din ang bagong Ministry na binigay ng Panginoon sa amin. Kami ni Christian ang head ng Evangelism at Visitation. Kailangan namin ng Panalangin para sa gawain.

Madaldal na ba ako? Parang…

Isa rin sa mga bagay na pinagkakaabalahan ko ay ang panonood ng mga Koreanovela ni Jang Keun Suk. Una ko siyang nakita (movie) sa Korean Film Fest 2011. Kasama siya sa Pelikula na “Happy Life“. Nakalimutan ko siya dahil ayaw ko talaga ng mga Koreano pero noong nakita ko ulit siya sa series na “Love Rain” tumibok ulit ang puso ko sa kanya at pinapanood ko na ang lahat ng Pelikula nniya at koreanovela. Yaan niyo gagawa ako ng review ng “Love Rain“. Ang kinakatakot ko lang ngayon dahil magaling din siyang kumanta baka makinig din ako ng KMusic. Wag naman sana.

May mga pagkakataong masasaktan at masasaktan ka, pero may natutunan na naman ako. Sabi nga ni Christian sa akin na hindi porket ganun ung intensity ng pagmamahal mo sa isang tao ay ganun din siya. Masasaktan ka lang kapag dumating  na sa punto na mas iisipin niya ang ginhawa niya kesa sa kung anong meron kayo. Wag kang umasa na ganun din ung intensity ng pagmamahal niya sayo. Tao lang tayo. Ugaling tao, madalas.

 

Mahaba na ta itong mga sinasabi ko. Hanggang sa muli.
Kamsa Hamnida (✿◠‿◠)

23 Responses to “Kamusta ka? Ikaw ba’y masaya? Humalakhak…”

  1. hello, Pintig… kakatuwa ang post. “Malamig ba sa Pinas o ako ang may problema?” ahaha, tila ikaw ang may problema, kapatid. it is still way too hot basta wala sa lugar na may aircon. ^^

    “Random ako? Sa tingin ko din.” a, indi naman… one can always invoke climate change and put all the blames sa madugong isyu, whehehe. come on, mother earth is suffering, why shouldn’t its inhabitants be in the same sit, whehe… ^^

    chances are, napilayan ka para i-remind na mag-slow down, kapatid. para maka-adjust ka raw ng husto sa grad school. ta’s eto pa, suspetsa ko, nakikinig ka na ng KMusic.😉

    tungkol sa lablayp, wala me’ng karapatang mag-comment, hihihi. maganda ang ‘yong post. good day…🙂

    • Hello Saliw,

      Ganda ng mga pangalan natin diba? Natuwa ako dun sa Pintig. (Sana matuwa ka din dun sa saliw) hehe. Sabi nga rin ng mga katrabaho ko, nka jacket na ako pero ung kamay at paa ko (naka medyas) nilalamig padin. Buti nalng may tumblr ako, nilalagyan ko un ng hot water tapos hinahawakan ko. Instant Pampainit. Mahina siguro talaga ako sa lamig. Di ako pwede sa winter. hehehe

      Oo nga nagiging feeling bipolar lang ako. Sa mga nangyarari. Siguro.
      Dapat kasi ang ilalagay ko “katangahan” hehehe. umaakyat kasi kami sa bundok nun, tapos medyo naiiwan ako… eh ung lugar medyo matataas ung damo, tumakbo ako kasi akala ko may ahas.. tapos ayun. Natapilok ako at naipit ung paa ko sa bato. Tsk. Binuhat ako pauwi. Pabigat. hehehehe Sana gumaling na.

      HAHAHAHAHA. Ung sa KMusic na yan.. kakaloka. Nag promise ako na hindi makikinig ni Isa, eh dahil si Jang Geun Suk ay singer. maganda ung boses niya ayun may limang kanta na niya akong pinapakinggan. Hanggang dun lang, ayaw ko mag super juniors. hehehehe

      Ung bandang huli, lovelife siya kaso tungkol sa mga kaibigan. Nalungkot lang ako kasi akala ko ung level ng intimacy namin bilang magkaibigan ay parehas. Akala ko importante ung pagkakaibigan namin, akala ko lang pala. Lagi na lang ako ung parang nag eeffort tapos paulit ulit. Hindi lang naman isang kaibigan, medyo marami eh. hehehe.
      Salamat🙂 Napangiti ako sa comment mo.

      • Hi ulit! (Ano ba kasi nickname mo? Pintig? Iska? lol)😀 Makikicomment lang ako ah.. Hmmm.. para sa friends pala yun last part… Lam mo ‘day, minsan ganyan din ako sa isa kong bestfriend,.. Ewan ko ba. Nalulungkot din ako minsan kasi feeling ko hindi sya nakikinig sa mga advice namin… Binabalewala nya mga payo namin na makabubuti sa kanya.. Tapos, lagi na lng syang drama ng drama sa isyu na yun! (Sana pwede ko ikwento ang isyu) hahahaa. (Sorry I am ranting here sa page mo!) Basta… MInsan tuloy naiisip ko to lose her as my friend. Kasi di ba.. your friends mirror your own personality? Eh hindi naman ako ganun… Sad.😦

        • Hehehehe. madami akong nickname. Pero ayos na sakin ung Iska, sa trabaho Bee ang tawag nila sakin kasi kamuka ko si jalibi. hehehehe naiintindihan ko ung nararamdaman mo. Kasama ata talaga ito sa buhay pero nareremind ako na maging patient sa mga ganung kaibigan. Pero sa way din na matututo sila… may tinatawag naman na ‘tough love” hehehehe.

          • Kamukha mo ba si Jollibee? hahahhaa. May friend din ako kamukha ni jabee..pero lalaki naman kasi yun!😀 Anyway.. tough love eh? Hay. Tama. Lahat n yata ng pasensya ko nasa kaibigan ko na yun!🙂

            • oo sabi nila. parehas kami ng hugis ng face. ilang kilo din kasi ung pisngi ko hahaha. Kaya bee ugn tawag nila. Pero marami kasi akong palayaw.. Tunay na kaibigan through thick and thin. Aja!

    • chances are, napilayan ka para i-remind na mag-slow down, kapatid. >>> *two thumbs up!*😀

  2. Ang lakas maka-senti ng iyong mga huling linya sa post na’to. Hehe!

    Saan yung French Film Festival ipapalabas?🙂

  3. stainlessthoughts Says:

    natawa ako sa kaaway a day, hekhek…

    sinearch ko pa sa google ang meaning ng Kamsa Hamnida! haha…

    na-aamaze ako sa Kpop songs pero wala talaga akong naiintindihan sa mga words nila.
    😀

    gandang araw.

    • Magandang gabi🙂 Kamusta ang araw mo? hehehe

      Ang hirap pala nung kaaway A Day. pangit un hehehe.

      Thank you ung ibig sabihin. hehehe. Nag aaral kasi ako ng korean ekek para pag nakita ko si Jang Geun Suk, makakausap ko sya. hahaha SPELL HOPE naman ako.

      Ung lyrics ng mga songs nila kakaiba eh.. lalo na pag na translate sa english

  4. Hello! Ano ba dapat ko itawag sayo? Hindi ko alam kung ano nickname mo eh.. haha!😀 na-entertain ako sa post na ito! Random din kasi ako!🙂 Sino pala si Christian? Sorry minsan lang kasi ako bumisita dito! Hehe!😀 Get well soon! Masarap mag-jogging!

    • Iska, Bee, Dimples, Parangpagibig or pintig. hehehe pili ka😛 ang dami kasing pumapasok sa isip ko nung sinusulat ko to, naputol nga lang kasi mahaba na. hehehe. si Christian ang butihin kong Nobyo.. walong taon na kaming nagmamahalan. (TSARLOT) hhehehehe. Nag ja-jogging ka din? sarap diba? maraming salamat🙂

      • HAHHAHAHHA! May kilala din kasi kong Christian.. binihag nya din ang aking puso nuong unang panahon!!! LOL!!!! Ipagpatuloy nyo ang inyong pag-ibig! Natatawa naman talaga ko!😀 Cge, Iska na lng! Hello, hello!😛

        Uu.. nagjo-jogging din ako! Pero sa umaga madalas,… Dance class sa gabi. (Pag ndi ko tinatamad)😀

        • Christian anong apelyido? hehehehe. First love ba ito? UYYYYY. Oo nga dapat ipagpatuloy. Tsarlot. Yan, Iska ang aking ultimate na palayaw. Na dati ay ayaw ko hehehe.

          Dance class? wow ang saya naman nun. Ung dance class sa amin tuwing sabado lang (sa subdivision namin) pero ung private maganda un. Madaling araw kasi pasok ko, mas masaya mag jog sa umaga. hihi

          • Muntik na ang peg ni Christian ko dati! LOL!😛 He was my topics here dati. hahahahhaha. anyway, yup! I do dance classes pag sinisipag… sa gym yun,, hahahhaa. gusto ko yun Zumba… try mo minsan!😀

  5. kung malamig sa pinas, uuwi na ako jan.. ehehehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: