Tagpuan: Isang tula


Hindi tayo magmamadali dahil wala namang byahe…
Hindi ako mag aatubili dahil wala namang mahuhuli
Tamang oras ang hinihintay, at kahit hindi ako sigurado kung kailan ka darating ang puso ko ay hindi mangangalay
Aaantyain kita kahit hindi pa kita kilala
Ako ay siguradong magagalak sa oras na ikaw ay makita

Hindi pa kita kilala pero pinapanalangin na kita
Hindi tungkol sa kung ano ang iyong itsura pero tungkol sa ating paghahanda
Paghahanda… sa panahong darating na ikaw ay tatawagin kong Akin
Paghahanda sa ating buhay, buhay na tayo ay magiging magkapiling.

Alalahanin mo, mahal na kita kahit hindi ko ba nasasambit
Dahil ang ating Ama ang nagpakita ng tunay na Pag-Ibig
Ang sabi ng ating Ama ay mag hintay.
Mag hintay sa Kanya dahil Siya ang may hawak ng buhay.

Ang sabi ng ating Ama ay mag hintay
Habang tayo ay aligaga sa paglilingkod sa Kanya
Dahil ang rason ng ating dahilan ay ang purihin Siya
Alam din Niya ang pagkakaiba ng gusto sa kailangan.
At alam naman nating  Kailangan natin Siya
Ang sabi ng ating Ama ay mag hintay
At hindi tayo malulungkot dahil Siya ang ating ligaya.
Sa mga malalamig na gabi  tayo ay kayakap Niya
Kausap sa Panalangin para tayo ay manindigan sa Nais Niya

Hindi ko pa man alam iyong pangalan pero alam kong iisa lang ang ating pinanghahawakan
Pangako sa iyo Mahal, hindi ako magmamadali. Hindi ako maatat, para sa huli ay hindi tayo kukubli
Kung hindi ka man darating ngayon, ayos lang.
Ang sabi ng ating Ama ay mag hintay
Dahil Siya ang ating tagpuan.
Siya ang magbubuklod ng ating pisi.

2 Responses to “Tagpuan: Isang tula”

  1. ang galing ..husay ng pagkakasulat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: