By His wounds, I am healed.


Nag-iisip ako ng pwedeng i-blog sa panahon ngayon. At dahil Holy Week, teka.. ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Isang linggong puro “bawal” dahil daw patay si Hesu Kristo. Isang linggong puro pagsisi dahil daw ipapako sa krus. (Iyan ang alam ng karamihan at ginagawa ng madlang tao) na para sa akin ay nakakainis na nakakalungkot.

Bago ako magkwento, sasabihin ko po na hindi ako perpekto, hindi ako nagmamalaki dahil lahat tayo ay makasalanan. May halong lungkot din kapag “holy week” sa isip isip ko “…papatayin na naman nila ang Diyos ko..” Sa totoo lang, lumaki ako ng maraming tanong tungkol sa Diyos at pananampalataya. Hindi ako galit sa kahit anong relihiyon pero may isang katotohanan lang. Paano kung ang pinanghahawakan mong katotohanan ay kasinungalingan pala?
“Ang katotohanan mo ay kasinungalingan”
Habang lumalaki ako nasasagotn ang mga katanungan ko at mas naiintindihan ko.

Mga bagay na hindi ko pinnapaniwalaan at pinapaniwalan tungkol sa Holy Week.

-Hindi totoo na bago mag summer ang araw na ipinako si Hesus. Walang biblical evidence na may saktong araw iyon.
-Maaring maligo, kumain ng tsiken, maglaro sa hapon tuwing Biyernes Santo. Walang biblical evidence ung mga sinasabi ng simbahang katoliko tungkol sa mga “bawal” sa tuwing “holy week”
-Hindi ako naniniwala sa Easter egg. Hindi ko lang makonekta. Walang biblical evidence.
-HINDI MO NA KAILANGANG MAGPAPAKO SA KRUS PARA MAPATAWAD KA, MAG PRUSISYON, MAGLAKAD NG MAHABA KASAMA NG MGA KAIBIGAN MONG HINDI RIN NAMAN ALAM KUNG ANO ANG GINAGAWA. HINDI MO AN KAILANGANG MAG SUGAT NG KATAWAN PARA MARAMDAMAN MO ANG NARAMDAMAN NI HESUS NOONG IPINAKO SIYA. HINDI MO NA UN KAILANGAN. Hindi dahil sa gawa ng tao kaya ka mapapatawad. Kaya ka maliligtas, dahil iyon sa biyaya ng Panginoon.
Tapos na. “It is done” Tetelestai” Hindi na uulit ulitin taon taon, hindi un anibersaryo. Hindi un kung ano man ang gusto Nating iatawag.
Igalang natin ang Diyos. Huwag nating bastusin.
Harsh mo naman, Iska. Totoo, ung mga nagpapapako sa krus na akala nila ay panata… para nilang sinasampal ang Diyos. Devotion nila un? Hindi naman sinasabi sa bible na gawin un eh. Para saan? Para lumabas ka sa T.V? Nakakalungkot lang.
Repent. Humingi ka ng tawad kung gusto mong patawarin ka ng Diyos walang chechebureche. Puso mo ang tinitignan Niya. Ano un tuwing holy week lang tayo ganito? Kalokohan. Araw araw dapat humingi ng tawad at araw araw dapat makipag laban sa kasalanan. Kahit ako ay Kristyano na, araw araw padin ako nagkakasala… pero hindi na ako alipin ng kasalanan.

Ang daming pakulo pag holy week, hindi naman biblical. Ang bible ang may karapatan, ang may huling sabi dahil un ay salita ng Diyos. Hindi ang simbahan.

2 Timothy 3:16
All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness.

Ang kaligtasan ay libreng kaloob na grasya mula sa Diyos. Hindi mo ung paghihirapan dahil hindi natin kaya. Kaya nga natin kailangan ng tagapag ligtas. At iyon ay si Hesus.

Ephesians 2:8-9
8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9 not by works, so that no one can boast.

Alam ko na “to each his own” na dapat galangin ang ibang tao at lalo na ang kanilang paniniwala. Pero paano kung mali? Paano kung may nakita kang tao na mali ang gamit sa isang bagay, sa elektrik pan na lang halimbawa, or sa kalan, or sa pag da-drive ng isang sasakyan…. mali na nga pagtatawanan at papabayaan mo na lang ba? Itama mo ng may Pag-Ibig, sa kadahilanang ganun ka din dati… bulag ka din sa katotohanan, hindi ka din marunong mag sintas ng sapatos mo.

Totoong namatay si Hesu Kristo para sa iyo. Bakit nga ba talaga? Dahil ba sa mga Pariseo? Dahil ba sa mga Romano?  Hindi. Malaking Hindi. Balik tayo sa simula. Sino ba tayo? Tayo ay nilikha ng Diyos, tayo ay nagkasala. Hindi tayo naging makasalanan dahil nagsisinungaling at nagkakasala tayo. Nagsisinungaling, pumapatay at nagkakasala tayo dahil makasalanan tayo. Mabait ka? Seryoso? Masama tayo, un ang seryoso at totoo. Nasagasaan natin ang Kabanalan ng Diyos. Pero dahil mahal tayo ng Diyos, binigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, sa sariling desisyon ni Hesu Kristo. Nagkatawang lupa siya para maging taga pamagitan ng Diyos Ama at natin. Para ipakita ang pag-ibig na walang kondisyon. Namatay siya para sa atin.

Sa mga sugat Niya tayo ay gumaling. Sa kamatayan Niya tayo ay nabuhay.

Heaven isn’t a place for good people. It’s a place for people who confessed to God they weren’t good enough.  -Lecrae

Romans 5:8
But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us.

6 Responses to “By His wounds, I am healed.”

  1. It is true heaven is a place for people who confess they are not good enough. I would like to contact you . Please email me at christianblessings10@gmail.com

  2. “to each his own” – ikaw na ang nagsabi, paano kung sasabihin ko sayo na ang bibliya na pinaniniwalaan mo ay hindi totoo?

    ano magiging reaction mo?

    • Marami na ang nagsabi sa akin na ang bibliya ay hindi totoo. at nasabi ko na rin iyon sa sarili ko dati.. naisip ko maaring hindi totoo ang bibliya, dahil dati ay mas binigyan ko ng pagkakataon na magduda kesa maniwala. Pero noong nalaman ko na may isang katotohanan kahit anong mangyari.. iyon ang totoo. Na totoo ang Diyos. Naniwala ako.. totoo na faith ang kailangan para matanggap mo ang lahat ng tungkol sa Diyos pero naniniwala ako na hindi bulag ang pananampalatayang iyon. Reaction ko? hindi ako magugulat pero malulungkot ako para sa mga taong hindi naniniwala sa bibliya.

  3. tanong lang, bakit hindi ka naniniwala sa paniniwalang post pagan/catholic bleh bleh?

    ano rin masasabi mo na hindi diyos si hesus ayon sa INC?

    ano rin masasabi mo na ang diyos mo at ang diyos ng mga hudyo ay may puwet? (ADD)

    bakit inutos ng diyos kay j. smith na pwede ang polygamy?

    bakit bawal ang blood transfusion sa mga saksi?

    bakit walang jehovah ang pangalan ng diyos samantalang wala namang letter J sa hebrew alphabet?

    nagcecelebrate ba kayo ng christmas?

    sino ang sumulat ang 5 first books sa old testament?

    bakit hindi paniniwalaan ng mga hudyo at muslim si kristo?

    kung para sayo totoo ang bibliya, totoo rin ba ang q’uran?

    madami pa sana akong tanong pero sana masagot mo ito

    • tanong lang, bakit hindi ka naniniwala sa paniniwalang post pagan/catholic bleh bleh?

      kasi mali.🙂

      ano rin masasabi mo na hindi diyos si hesus ayon sa INC?

      Ayon sa INC, Hindi Diyos si Hesus, hindi sila naniniwala sa Trinity pero malinaw sa bible na may Trinity (kahit na walang salitang ‘trinity” ung kaisipan nandun. Sa tuwing may tanong ako tungkol sa salita ng Diyos, natutuwa ako dahil nasasagot may mga bagay na ndi ko pa alam ang sagot. Pero sabi din sa bibliya na “Secret things belong to the Lord” hindi pa kasi nasasagot dahil hindi pa dapat sagutin. Doon papasok ung faith… Going back sa INC. ang bible ay sa salitang Greek at Hebrew. Sa John 1:1-14 Sabi “In the beginning was the word, and the word was with God and the word was God. .. sa verse 14 and the word become flesh… nagtakawang tao. So sino ang word? Si Hesus… sabi the word is God. Ang bible interpretation kasi ay per word at may context.. alam ko din sa INC bawal sila magbasa ng bible, na which is mali dahil ang bible ay dapat binabasa ng tao dahil ito ang katotohanan. Hindi ako galit sa kanila, mali ung turo nila, hindi ako makikipag debate sa kanila dahil hindi nila maiintindihan kung pa-debate. Marami pang maling paniniwala. at dati mali rin ang paniniwala ko.

      ano rin masasabi mo na ang diyos mo at ang diyos ng mga hudyo ay may puwet? (ADD)

      Puwet? Pakilawakan pa.. Kung ang Diyos na tinutukoy mo ay si Hesus… dahil nagkatawang tao siya (Incarnation) may ouwet talaga siya.

      bakit inutos ng diyos kay j. smith na pwede ang polygamy?

      Si Smith ay ung founder ng Mormons diba? Naniniwala ako na hindi inutos ng Diyos kay Smith un, kahit sino pwedeng mag claim na inutusan siya ng Diyos na ganito pero ang tanong.. talaga bang inutos? Sabi nila, ni-reveal daw sa kanya ung about sa polygamy. Ang masasabi ko naman tapos na ang Bible canon wala ng bagong irereveal ang Diyos sa atin. Sa kanyang salita, malinaw na ayaw ng Diyos ang Polygamy. Ung tungkols a Old testament… iba ang paliwanag diyan.

      bakit bawal ang blood transfusion sa mga saksi?

      Ang pagkakaalam ko kaya bawal sa kanila dahil sa maling interpretasyon ng bibliya. AUulitin ko may context dapat kapag nag iinterpret. Masayang pag aralan ito, mahirap pero mas makakatulong sa pagbabasa ng bibliya.

      bakit walang jehovah ang pangalan ng diyos samantalang wala namang letter J sa hebrew alphabet?

      Totoo ung sinasabi mo na walang J sa Hebrew alpha. YHWH sa Old testament, ang basa ng mga saksi ay Jehovah. Wala kasing vowel kaya YHWH…

      nagcecelebrate ba kayo ng christmas?

      Hindi ako naniniwalang Dec 25 ang tunay na araw ng kapanganakan ni Hesus. Pero naniniwala akong ipinanganak Siya para iligtas tayo. Ang pasko sa akin ay buhay at pasasalamat. Naging komersyal na kasi ang pasko sa atin… laging gifts at sharing nakalimutan na ang tunay na ibig sabihin ng pasko.

      sino ang sumulat ang 5 first books sa old testament?

      Ang mga iskolar at dahil sa septuagint sa tulong ng Holy Spirit ay naniniwala na si Moses ang nagsulat ng unang limang libro ng Old Testament. Hayaan mo may ebidensya.

      bakit hindi paniniwalaan ng mga hudyo at muslim si kristo?

      Una ang mga muslim iba ang pinaniniwalaan. Kaya hindi sila naniniwala kay Kristo. Ang mga hudyo naman, naniniwalang may Messiah, kaso may mga ibang hudyo na talagang hindi naniniwala na si Kristo ito.. bakit? May history kasi… may mga hudyo na hanggang ngayon inaantay padin nila ang Messiah.. bkt? Kasi sa daming hirap na naranasan ng mga hudyo, political Messiah ang hinahanap nila, ung tipong hari dahil din ang Messiah ay manggagaling sa linya ni Haring David.

      kung para sayo totoo ang bibliya, totoo rin ba ang q’uran?
      Hindi, dahil kung may dalawang bagay… at isa dun ay totoo ang isa dun ay mali.🙂

      madami pa sana akong tanong pero sana masagot mo ito.

      Salamat sa mga tanong, sabi ko nga maganda ang mga tanong mo at susubukan kong sagutin ito sa abot ng aking makakaya. Kung may mga tanong ka pa na hindi ko masagot. Pag aaralan ko🙂 salamat po. At sana magpakilala ka. hihihi. Magandang araw.
      Saka mukhang marami kang alam🙂 Parang kilala kita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: