Rayter


Ganun naman ang mga manunulat, pakiramdam nila naiiba sila sa lahat. At hindi iyon karapatan, iyon ay isang pribelehiyo. Ito ay isang regalo. Ito ay hindi dapat ipagmayabang kundi dapat ipagdiwang. Ang bawat ngiti na akala mo ay ikaw lang ang nakakapagbigay, ang bawat halakhak sa tuwing maalala mo ang mga bagay na nagpapatawa sayo, ang mga luha sa tuwing ikaw ay iiyak.. mga luha ng pag-asa, pigahti, mga luhang nakakapag limbag ng mga anak, sulatin, mga letrang bumubuo ng damdamin. Sana ang mga manunulat ay hindi maging madamot at manhid. Huwag maging makasarili at Mayabang. Alam kong mahirap mahalin ang mundo at hindi dapat pero sana ang mga manunulat ay hindi kamuhian ang mundo at huwag maging kalyo ang puso sa paghawak ng Pag-asa.
Sana ang mga manunulat kahit nahihirapan ay marunong padin ngumiti, marunong pa ding yakapin ang bukas na bigay ng May-kapal at ito ang maibigay nila sa papel, libro at sa mundo ng www.
Sana ang mga manunulat ay hindi mapagod umibig kahit na nasasaktan. Sana ang mga manunulat ay kayang ipaglaban ang katotohanan hindi lamang dahil sa emosyon na nararamdaman. Sana ang kanilang mga sulatin kahit na punong puno ng samu’t-saring emosyon ay ipinapahiwatig padin ang katotohanan.

Sana ang mga manunulat tinatapos ang….

8 Responses to “Rayter”

  1. nabitin ako.. ehehehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: