Kapag mayaman, bipolar. Kapag pangkaraniwang tao, topakin.


1

IMG_0204 copy

(c) parangpagibig

Nasa Litrato: Dabeng at ang nirentang bike sa Dantes.

May mga bagay talaga na hindi maisasambulat ng salita. Tulad ng pag-asa. Maraming nagsasabi na ang pag-asa ay isang nakakalungkot na bagay para paniwalaan dahil niloloko mo lang ang sarili mo sa hindi sigurado. Iba ang pag-asa sa delubyo. Ang pag-asa na nakikita ay hindi pag-asa sapagkat bakit aasa pa ang tao sa nakikita na niya?  Ngunit kung tayo ay umaasa sa hindi natin nakikita, naghihintay tayo na may pagtitiis.

Ang pag-asa ay napakasayang bagay, ito ay biyaya. Totoong maraming daing, maraming dabog. Maraming pagpapasya na dapat ay naibaon na lang sa limot. Ngunit hindi doon natatapos ang mga katinig na dudugtong sa bawat letra na hindi mabasa, hindi mabasa pero nararamdaman. Ang bawat diin ng katotohanan na minsan ay kinakatakutan ay dapat harapin. Bakit? Dahil ito ay katotohanan, ayaw mo mang tanggapin, kailangan mo. Masasaktan ka man. Kaya naimbento ang band aid, hindi para panapal sa tinatagong sulat kundi proteksyon sa mas lalo pang pag wasak.

Mahaba ang araw, malamig ang gabi. Maaring hindi maganda ang gising mo perobibigyan ka ng pagkakataon para hindi masira ang hapon at may grasyang yayakap sayo para ipaalala na ang bukas mo ay mayroong ligaya. Tulad ng pagsikat ng araw, unang patak ng ulan sa buwan ng Abril, tulad ng pakiramdam ng ina noong marinig ang iyak ng kanyang sanggol, tulad ng pusong tumitibok, tulad ng pakiramdammo kapag “last chorus part na ng kanta, tulad ng halo halong pakiramdam ng direktor habang pinapanood ang nagawa niyang pelikula, tulad ng init tuwing bakasyon, tulad ng puting buhok.

Huwag kang mag-alala, hindi man sayo umiikot ang mundo. Mayroong nagpapaikot dito.  At hindi ka maaring manatili sa ganyang sitwasyon mo.

14 Responses to “Kapag mayaman, bipolar. Kapag pangkaraniwang tao, topakin.”

  1. ate peram ako ng isang picture mo dito ah😀

  2. nagpapaalam ako baka makulong ako eh hahaha

  3. ikaw naman yang nasa photo ay bigyan kita ng credits hehehe

  4. ang lalim… pero makabuluhan…

  5. sama akong mag-bisekleta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: