Walong paraan para mapukaw mo ang aking puso. DAY 3 10 DAY BLOG CHALLENGE


Hindi ko sinasadya na sa mismong Araw ng mga Puso ang challenge na ito. Hindi ako fan ng holiday na ito, wag kang mag alala.

1. Huwag mo akong bibigyan ng bulaklak (hindi ako patay at wala akong sakit) kung magbibigay ka ng regalo ayaw ko ng materyal na bagay na binili. Gusto ko na pagkain, karanasan (tulad ng pag akyat sa bundok), mga bagay na yari sa kamay. Ayaw ko ng bibigyan ako ng regalo dahil gustong ipakita na kaya akong bigyan ng mamahaling regalo. Gusto ko ung representasyon ko ang regalo. At isa pa wag mo akong bbigyan ng mga regalo. Kahit isang beses sa isang dekada ayos na. At uulitin ko huwag mo kong bibigyan ng bulaklak at tsokolate. Wala akong sakit.

2. Imbes na dalhin mo ako sa mall, sa isang five star hotel, sa isang hardin para sweet. Pumunta ka sa bahay magdala ka ng mga dvds or kahit mga usb na puro pelikula. Popcorn, Fried Chicken, Korean Toast. Solb na ako sa ganung klase ng date. Plus points kapag Asian, French or Indie Films.

3. Ayaw ko ng ginagawan ako ng espesyal na mga bagay at mga lambing. Ayaw ko ng atensyon, kaya magpaka totoo ka. Kung binabalak mong maging “sweet” baguhin mo ung style mo. Kumain ka ng isang buhay na manok tapos isigaw mo ung pangalan ko. Ung tipong habang nasa isang lugar tayo tumalon ka sa bangin habang sinsisigaw mo na mahal mo ako. Un, baka kiligin pa ako.

4. Magpakatotoo ka. Hindi mo kailangang magbalat kayo. Ayaw ko ng mayabang. Period no erase.

5. Mas maigi kung may sense of humor. Ayaw ko nung masyadong seryoso. Gusto ko ung lagi akong napapatawa pero alam kung kelan titigil. Kasi ayaw ko namang magka ulcer kakatawa.

6. Maraming libro, noodles, mochi, libro, paintings. Magaling sa math, drawing, musika.

7. Ung taong makakasundo ang Pamilya ko. Obkors. Its more fun in the Pilipins.

8.  At ung taong mas mahal ang Diyos sa akin.

Mahirap tong gawin kasi meron ng taong nakapukaw ng  puso ko. Ang pakiramdam ko nga kinekwento ko kung paano niya ito nagawa. Awwww.  

23 Responses to “Walong paraan para mapukaw mo ang aking puso. DAY 3 10 DAY BLOG CHALLENGE”

  1. Tagkona ho ba? Hahaha! kilala ko ho :’D

  2. i think yung mga naunang mga items magbabago yan kapag andun ka na. nawawala ang standards ng isang tao kapag nagmamahal – nagiging crazy lol.

  3. “Ang pakiramdam ko nga kinekwento ko kung paano niya ito nagawa. Awwww. ”

    – ayan. kinilig ako sa linya mong yan. hihihi. dahil ganyan din ang nasa isip ko nung ginagawa ko yung listahan ko. hehe.😀
    too bad, iniwan na nga lang ako.😦

    anyway, Maligayang Araw ng mga Puso!🙂

  4. .Kung binabalak mong maging “sweet” baguhin mo ung style mo.

    >>> winner!! hahaha. ayoko rin ng msyadong sweet!! ang plastik db? hehe😛

  5. ang saya naman nito😀 at oo, hindi rin ako fan ng valentine’s day. pwede namang araw-arawin yung pag-ibig🙂

    good luck sa naliligaw. tsk.

    magandang araw!

  6. wari ko madaming kinikilig sa 10-day blog challenge na iyan. at parang may usapang palaka pa gaya nito: trulalu, eklabu, kokak (korak pala). hihihi

    ako’y nakikibasa lamang. hihihi.

  7. Very nice qualities!hehe One of a kind yan!lol!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: