Siyam na bagay tungkol sa iyo. 10 DAY BLOG CHALLENGE (Day 2)


Ito na ata ang pinaka mahirap na naisulat ko. Hindi ako fan ng mga About Me section dahil mahirap magsalita tungkol sa sarili, pero dahil nga challenge ito. Keribels

1. Ang tunay kong pangalan ay Franchesca Jinel, kaso Jinel lang ang nasa Birth Certificate ko. Malungkot kasi simula Nursery hanngang College un ang sinusulat kong pangalan. Buong pangalan at hindi ako nagrereklamo kahit mahaba ang sinusulat ko pero noong pumasok na ako sa Mundo ng mga nagta-trabaho, JINEL na lang. JINEL na lang. huhuhuhuHUHUHUHUhuhuhu Intense. Pero sabi sa FB, libre na daw ang magpa ayos ng pangalan. Kaya tuwang tuwa ako.

2. Hindi ako mahilig magcelebrate ng Kaarawan ko, sa kadahilanang hindi impoertante sa akin ang pagdagdag ng numero sa aking edad. Ayaw kong tinatanong ako kung ano ang gusto kong regalo sa kaarawan ko, kung gusto mo kong bigyan, gawin mo. Tandaan mo lang di ako mahilig sa regalo na gamit, baka mawala ko lang un. Hindi ako mahilig sa sorpresa pero may mga taong humahamak sa ayaw ko na un. Normal lang na araw para sa akin ang kaarawan ko. Yaan niyo pwede niyo kong batiin ng Happy Birthday.
P.S. Kaya rin pala ayaw kong mag celebrate ng kaarawan ko kasi buong mundo malungkot dahil sa twin towers. KJ naman ako diba?

3. Kape, Umaga at umuulan, French Music, Sabado, Black and White Photos. Sanktuaryo para sa aking “artist side”

4. Kapag ako ay nagagalit, kapag hindi ko na matanggap ang mga nangyayari, nasasaktan, naiinis. Hindi ako nagsasalita, umiiyak lang ako dahil ayaw kong makasakit ng tao. Dati kasi kulang na lang mag amoy imbornal ang bibig ko sa mga pinagsasabi kong mga walang kwenta. Hindi naman un nakakatulong, nakakasira pa. Kaya kapag oras ng sakitan, away, galit at ung ano pang kinakailangan ng matinding emosyon, iniiyak ko na lang. Para sa marami siguro pagiging mahina un. Pero para sakin paglaban ko un sa kahinaan ko.

5. “Liriko” ang gusto kong ipangalan sa magiging anak kong lalaki at “Musika” kapag babae. Cristobal ung last name nila. hihi :p

6. Hindi ko trip ung mga tinatawag nilang fashion blogs. Nalulungkot lang ako dahil hindi naman ganun ang pagbo-blog dati. Dadamitan mo ang sarili mo, ipagmamalaki mo na mas mahal pa sa baon ng kaklase mo ung damit mo, magpapamudmod ka ng mga tinatawag na give aways pero kailangan nilang i-like ung FB page mo at ipagkalat ung “give away mo”. Anyare people of the pilipins? Tapos lalagyan mo ng kaunting lyrics at kwento ng araw mo ung damit mo, kailangang konek kasi kapag hindi taob. Kailangang ingles kasi kung hindi, di ka papansinin.

M A L A K I N G    K  A  L O K O H A N .

Picturan mo na lang kaya ung cabinet mo at isipin mo kung paano ka magiging role model sa kabataan. Hindi ako bitter o galit sa mga ganun ang ginagawa pero mag isip lang, gusto niyo may “style” kayo pero pare-parehas lang naman itsura niyo.

I thank you. Bow. With love itong sinabi ko.

7.  Ulan sa gabi, pulubi, rape, mga taong ayaw aminin na makasalanan sila, mga taong ayaw ng tulong kahit hikahos na, mga taong mahilig manakit ng kapwa, mga taong nagrerebelde sa Pag-Ibig, mga taong sumasabay sa uso dahil uso, mga taong sinasabi nilang Open minded sila pero di nila alam ang katotohanan, matagal at nakakabinging katahimikan, mga taong alam ang katotohanan pero pinipiling malunod sa kasalanan, mga taong manhid, mga batas ng gobyerno na hindi pinag isipan, mga internet wars, trapik sa Novaliches… yan ang mga bagay na nakakapagpalungkot sa akin.

8. Ako ang Bise Presidente ng Youth Kalimot Gang, ay teka ako ata ang Pangulo. Naiinis na sila sa akin dahil para sa kanila sinasadya kong kalimutan ang mga bagay pero naiiyak ako dahil sobrang makakalimutin ako. Kaya rin ako nag planner dahil para hindi na ako maging sobrang makakalimutin. Marami ding nag regalo sa akin ng post it para makalutong. Ang pinaka hindi ko malilimutang nakalimutan ko ay ung eksenang hindi ko na alam kung paano i-unlock ung selepono ko na 3 taon ko ng ginagamit. BOOM! Iniisip ko ako ung bida sa “A moment to remember” pero sabi ng kapatid ko at nobyo ko; “ASA”

9. Ako ang pinaka walang kwentang tao, salbahe, masama ang ugali, makasalanan at mayabang. Isa akong basahang marumi. Isa akong babae na puro inggit at galit sa puso. Isa akong rebelde na hindi naman talaga alam ang pinaglalaban hanggang sa binuksan ng Diyos ang aking mata, puso at isipan. Minulat niya Ako sa katotohanan na sa kabila ng aking pagiging makasalanan ako ay minahal Niya. Tinubos Niya, Pinulot sa kadiliman, niligtas Niya. Binigyan Niya ako ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesu Kristo, na namatay para sa akin. Binigyan Niya ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa Kanya at Manampalataya sa Kanya. Hanggang ngayon nagkakasala padin ako, hidni pa ako perpekto. Pero hindi na ako alipin ng kasalanan. Alam ko na ang katotohanan. Pinalaya na Niya ako sa kahapon at alam kong binabago Niya ako sa araw araw hanggang sa pagbabalik Niya.

One Response to “Siyam na bagay tungkol sa iyo. 10 DAY BLOG CHALLENGE (Day 2)”

  1. Hi Jinel, gusto ko yung number 9🙂 totoo nman. walang perpekto. masaya ko para sayo kasi gaya ng sabi mo, hindi ka na alipin ng kasalanan. Maraming tukso sa paligid but at least alam mo kung Sino ang paghuhugutan mo ng lakas ng loob para mapaglabanan yun🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: