Sampung bagay na gusto mong sabihin sa sampung tao. 10-DAY BLOG CHALLENGE


Naniniwala ako sa Matthew 18 Principle.

 

1. Ikaw ang buhay ko, Ikaw ang dahilan ng paghinga ko dahil sa Iyo din ako humihinga. Maraming salamat sa pag-ibig na hindi nag hihintay ng kapalit. Maraming salamat sa pagligtas sa akin. Sa pagiging lahat sa akin. Tiklop tuhod akong nagpupuri.

2. Mahina ako sa math pero magaling ka dun, wala akong kamay sa pag guhit pero ikaw ay biniyayaan. Sa tingin ko mahaba na ang pasensya ko, pero mas iniintindi mo ako. Gusto kong bilangin ang minuto simula noong tayo ay naging magkakilala dahil babagal ang segundo kapag tayo ay magkalayo. Ang sabi mo ay mag hintay at alam kong hindi na magtatagal. Ang sabi mo ay hindi Niya tayo pababayaan at sa Kanya tagyo mag tiwala. Ikaw ay biyaya ng Panginoon sa akin.

3. Pinapatawad na kita, pinatawad na kita noon pa. Hindi na ako nasasaktan. Sana ay makahanap ka din ng lalaking magmamahal sayo ng totoo. Lalaki na binago ng Diyos at lalaking aalagaan ka. Totoo na lahat ng tao ay may kapasidad magmahal. Ngunit hindi mo malalaman ang tunay na ibig sabihin nito, ang tamang ibig sabihin kung hindi mo nararanasan ang Pag-ibig ng Diyos. Hindi cool ang manakit ng tao, hindi cool ang pagiging maarte. Sana ay mahanap mo ang tunay na ibig sabihin ng kasiyahan.

4. Hindi ko alam kung anong klaseng pamamaraan ang gusto mong pairalin. Tama, nandyan ka sa possiyon mo para gabayan, turuan, paalalahanan kami. Naipakita mo na ang iyong kagalingan kaya ka nasa posisyon na yan.  Ito lang ang masasabi ko, hindi namin kailangan ng kayabangan mo at alam kong hindi ka rin magtatagal sa kayabangan mo.
P.S Hindi mo pwedeng sabihin sa ibang tao na magbago ng ugali kung sa sarili mo ay ayaw mo at wala kang mahanap na mali. (Hindi ako galit)

5. Kaya mo yan. May rason ang lahat ng bagay. Hinahayaan ng Diyos na mangyari sa atin yan dahil gusto Niya tayong matutuo. Ang buhay natin dito ay isang pagsusulit, isang paghahanda.

6. Galing na ako diyan. Naramdaman ko na yan. Naranasan ko. At pangako hindi na ako babalik. Kaya kung nilalamig ka ngayon dahil alam mong ikaw ang kausap ko. Ikaw nga, makinig ka sana sa akin at huwag maging matigas ang ulo.

7. Huwag kang magselos.

8. Hi, kamusta ka? Miss na kita

9. Alam ko na ung nangyayari ngayon sayo. Nalulungkot lang ako kasi pangalawang beses na ito at hindi mo pa din sinabi sa akin. Nasasaktan ako kasi dapat kahit hindi na tayo magkasama palagi dapat ganun padin ung turingan natin. Alam kong alam mo na hindi ako sang ayon dyan kaya siguro ayaw mo ding sabihin sa akin. Alam mo ang tama, kilala mo ang Diyos at mahal ka Niya. Itigil mo na, hindi ka minahal at niligtas ng Diyos para sa ganyan. Gawin mo ang tama, kaibigan.

10. Patawarin mo ako.

17 Responses to “Sampung bagay na gusto mong sabihin sa sampung tao. 10-DAY BLOG CHALLENGE”

  1. Kilala ko ho yung number 1,2, at 5. Yun lang.Sa iba ho ang hirap hulaan kung sino sila. Hahaha.

  2. bakit parang iisang tao lang yung karamihan hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: