Enter title here


Bente singko anyos ka na, nakatayo ka sa kusina, nagluluto at naghahanda ng almusal mo, may kapeng mainit at nakikinig ka sa paborito mong kanta na alam mong puso mo ang pinatatamaan. Nakatayo ka lang tapos iniisip mo na papasok ka na mamaya sa trabaho at kukunin ang pinalabhan mong damit. Tapos maiisip mo din ung mga bagay na pinupukaw ang tuwa mo tulad ng mga librong gusto mong basahin at mga bakasyon na pinaplano mo at ang lumalagong relasyon mo sa kasintahan mo. O kaya naman naiisip mo na magka “amnesia” ka na lang. Tapos biglang maiisip mo na parang wala ka sa tahanan mo, tahanan ng sarili mong balat, pangarap, bihis at pagkatao. Gusto mong umuwi pero hindi mo alam kung saan. Gusto mong maramdaman ang tahanan na alam mong meron ka dati pero hindi mo alam kung may babalikan ka pa. Alam mong may mga buhay na rin sila. Naalala mo, araw araw mo pa silang nakakusap.. kapag kailangan mo ng kalinga titingin ka lang sa telepono mo o alam mong may bibisita at makikinig sayo. May mga bisig na handang yumakap sayo kapag nanghihina ka. Pero dapat kang kumalma dahil nakulong ka lang sa limang minutong galimgim na sanhi ng hangin sa umaga na amoy ng nakaraan. Pakiramdam mo ay dayuhan ka. Sumagi sa isip mo na hindi ka na magiging bata ulit tulad nito pero ito ung unang beses na tumanda ka. Ung tipon hindi mo na maalala kung paano kang disi-sais tapos ngayon bente singko ka na pero ang pakiramdam mo ay disi-sais ka pa rin pero ikaw ay banyaga sa ganung pakiramdam. Tapos na ang kanta. Malamig na ang kape.

Hihinga ka ng malalim, buntong hininga.

Hayaan mo magiging maayos ka din pagtapos ng limang minuto.

10 Responses to “Enter title here”

  1. kahit ako, hindi ko ramdam na XX na ang edad ko. parang nasa 20s lang din.

  2. ahaha, ang ganda. hello, iska…πŸ™‚ nakakatuwa, this is one of those moments, ika nga – fleeting pero natatandaan, kainaman na…πŸ˜‰ have a great week!

  3. Ganito nga ang pkiramdam, feeling di tumatanda kya lang pagtumitingin sa kalendaryo… Hindi makapaniwalang yon na ang totoong edad… Hihi
    …may time na gigising sa umaga o kaya naglalakad sa labasan, mapapaisip “nasaan ba ako?” hindi makapaniwalang(ulit) nasa malauong lugar at biglang matatauhan.πŸ™‚
    Hi sa’yo Iska! ^_^

  4. “Tapos biglang maiisip mo na parang wala ka sa tahanan mo, tahanan ng sarili mong balat, pangarap, bihis at pagkatao. Gusto mong umuwi pero hindi mo alam kung saan. Gusto mong maramdaman ang tahanan na alam mong meron ka dati pero hindi mo alam kung may babalikan ka pa.”
    -Gusto ko itong parte na ito. Halos kahalintulad ng nararamdaman ko. Tulad ng alam kong nasa tahanan ako kasama ng pamilya ko ngunit ang pakiramdam ko nasa ibang lugar ang puso ko.

  5. kung may upong bentesingko, meron ding tayong (stand) bentesingko, ito yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: