Sasabihin ko ito sayo, dahil kailangan mo itong malaman.


Kalusugan:
Uminom ng maraming tubig.
Kumain ng marami kapag Almusal, bawas ng kain sa Tanghalian at lalo na sa Hapunan.
Huwag isipin na kailangang mag imbak ng pagkain sa tyan, (hindi ka Camel or  o Prijider ) Kumain lamang kapag gutom
Energy, Enthusiasm and Empathy
Maging Sporty, wag puro dotA
Magbasa ng maraming libro, intindihin para lumawak ang bokabularyo.
Magkaroon ng “Quiet Time” araw araw, mas maigi kung sa Umaga.
Matulog ng nasa Oras.
Maglakad ng 10-30 Minuto… at huwag kalimutang ngumiti.

Personalidad:
Huwag mong ikumpara ang buhay mo sa ibang tao, hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila.
Huwag mag isip ng mga negatibong bagay, lalo na ung mga bagay na hindi mo mapipigilan. Mas maiging  tignan ang mga bagay sa Positibong paraan.
Tandaan mong may limitasyon ka din.
Huwag masyadong seryoso, nakakapangit un. Mas maiging mabuhay ng may kagalakan sa puso.
Huwag mong ubusin ang lakas mo sa “Chismis”
Managinip ka ng gising. Minsan, magandang libangan un.
Ang inggit ay hindi maganda, sayang sa oras at lakas. Huwag mainggit, nakakamatay.
Huwag ng mabuhay sa nakaraan. Kung napatawad mo na siya, wag mo ng ipaalala sa kanya ang ginawa niya. Ang goal ay hindi ang makalimot.. kundi ang makalaya.
Ang galit ay isang malalim na salita at estado. Huwag mong sayangin ang buhay mo na nagtatanim ng galit sa Iba. Maiksi lang ang buhay mo, huwag mo ng mas paiksiin pa.
Ang “Happiness” ay nakabase sa mga nangyayari lamang ang “Joy” ay naka base lamang sa Lumikha.
Araw araw ay pagkakaton para matututo, para umibig, para magpasalamat, para gamitin ang emosyon ngunit alam kung paano kontrolin. Araw araw may pagkakataong binibigay ang Diyos sa iyo para mas lalo mo Siyang makilala at mas maintindihan.
Ngumiti at tumawa ng madalas.
Hindi mo kailangang manalo sa lahat ng pakikipag talo o diskusyon. Kung hindi mo mabago ang persepsyon ng isang tao, wag mong pilitin… malalaman din niya ang totoo. At ikaw, nasabi mo na ang nasabi mo. Mas maiging magsalita lang ng mga bagay na nakakatulong sa sitwasyon hindi dahil gusto mo lang sabihin. Tao ka na may bibig, hindi bibig na tao. Iwasang putak ng putak ng walang kabuluhan. Huwag abushuin ang “Freedom of Speech” may kaukulang responsibilidad ang lahat ng bagay.

Lipunan:
Kausapin mo Pamilya mo.
Araw araw isipin mo kung paano ka makakatulong sa iba, kahit sa hindi mo mga kaibigan at kakilala.
Magpatawad hindi dahil mas malakas ka sa kanila, magpatawad kasi kahit sa kasamaan mo... napatawad ka. Ang Diyos nga napatawad ka, sino ka para magmayabang?
Kapag may nakikilala kang tao, isipin mo lagi na may matututunan ka sa taong un at ikaw din sa kanya.                                                                     Huwag na huwag kang gaganti, hindi ka rin naman magkakaroon ng kapayapaan kapag gumanti ka. Maniwala ka man sa hindi, dugtong dugtong ang mga bagay… kung ano ang tinamin, un din ang aanihin.
Kung ngayon akala mo na hindi patas ang buhay dahil ang mga masasama ang nangunguna, matuto kang mag pasensya dahil darating ang araw na iiyak sila sa mga maling ginawa nila.
Mas maigi at madaling magpangiti ng tao kesa magpa-iyak.
Kung ano man ang tingin ng tao sa iyo sila ang may kargo dun. Pero isipin mo din na ang buhay mo, mga ginagawa mo ay nagpapakita kung sino ka. Hindi ka perpekto pero mas maiging labanan ang kasalanan kesa maglaro sa putikan.
Kapag nag kasakit ka, hindi ka maalagaan ng trabaho mo. Kapamilya at kaibigan mo ang may kakayahang gawin un, alagaan mo din sila.

Buhay:
Gawin mo ang tama, kahit ano ang mangyari.. kahit mahirap.
Huwag mag imbak ng basura sa buhay, kung hindi makakatulong sa paglago mo, itapon.
Kahit gaanong kaganda o kapangit ang isang sitwasyon, magbabago din un.
Hindi tayo nabubuhay sa pamamagitan ng kung ano ang nakikita, nabubuhay tayo sa pananampalataya. Lahat tayo ay nananampalatay, ang tanon lang. Saan? Kanino? Tototoo ba ung pinang hahawakan nating pag-asa?
Ang buhay dito sa mundo ay may katapusan, lahat ay maglalaho, lahat ay mawawala. Ang Pag-Ibig lang ng Diyos ang matitira. 

At kung hindi ka naniniwala sa huling pangungusap ko, Ayos lang un sa ngayon dahil..  Maniniwala ka din.

10 Responses to “Sasabihin ko ito sayo, dahil kailangan mo itong malaman.”

  1. pwedeng speechless? so many thoughts. hehe.

  2. Nakakabusog, inay.🙂

  3. inspring. nakakagaan ng loob.
    tama si Yssa, nakakabusog😉
    hello hello po!
    napadaan dito ^^

  4. napakaganda naman nito.😀

    Don’t mistake happiness for total bliss or enjoyment. Happiness is a balance of the soul amidst the good, the bad, the beautiful and the ugly.🙂 (gusto ko sanang isalin sa Filipino kaya lang medyo lost ako sa Tagalog, LOL)

    Regards,
    Vivien

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: