“…there is a point when the unfortunate and the infamous are associated and confused in a word, a mortal word, les miserables”


Disclaimer: Ang blog post na ito ay maaring maka-apekto sa Inyo.
Hindi ko lang alam kung mabuti o masama.

Pinili kong panoorin ito sa Sinehan kahit na may torrent.com, bakit? dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na mapanood ito sa malaking TV habang kumakain ng Mcdo Fries at habang nag meme face together with my brother at nagda-dub at iniiba ang lyrics. Hindi namin piniling manood sa unang araw dahil maraming manonood nun at magpopost sa FB na “Yey. Les Mis is love”

cast

Hindi ko rin inalam kung sino ang mga cast dahil gusto kong ma-sorpresa ako sa mga makikita ko, pwera kay Anne Hathaway na lahat ng tao ay alam na umiksi ang buhok niya dahil sa pelikula na ito.

Les-Miserables-girl-lscpLesMis_rables_2446250bPJ-BL591_lesmis_G_20121224104855les-mis-510

Last full show sa isang malapit sa aming Mall kami nanood. Walang masyadong tao, malamig, bitbit ang Fries. Doon kami naupo sa bandang taas kasi alam naming “with feelings” namin ito papanoorin at makaka-apekto kami sa mga taong nandun.. kahit ayaw naman namin.

Unang eksena pa lang. BOOM! Pinagmamasdan ko ung mga aktor, nakita ko si Gladiator. Siya pala ang kotrabida na naniniwalang depraved ang mga taong kriminal at wala ng pag asang magbago. Noong una hindi ko napansin na si Wolverine pala si (ShanValjan) bulol name ng bida para sa amin. Grabe, ang laki ng pinayat niya. Halos lahat sila ay nag dyeta para sa pelikula na un. Simula unang kanta hanggang huling kanta, napapakanta ako.

Mga Aktor at Aktres: Magagaling silang lahat.. mahusay sila umarte. Kung titignan mo silang mga singers kesa actors, madidismaya ka. Pero kung actors na umaawit, matutuwa ka sa effort nila. Dahil un naman talaga… maganda ung mga solo nila, at alam kong inaral nila ang mga characters nila dahil bawat kilos nila ay parang telang malambot na nakasampay sa bakuran at hinahangin.

Si Gladiator hinahabol si Wolverine, tapos nakita niya si Catwoman na kinawawa dahil hindi niya kapiling ang anak niya na si Savannah… kasi tinatago pala ni Borat sa bahay nila…. at ayun. Sa katapusan namatay silang lahat pwea sa ultimate loveteam.

Natuwa ako sa tuwing may solo sila ung mga mukha lang nila ung nakikita, nakahubad na pag arte ng emosyon. Nararamdaman ko ung nararamdaman nila habang kumakanta kahit english, well hindi lahat pero epektib sila sa pag arte.
Nagbigay sila ng hustisya sa Original play sa pamamagitan ng masusi nilang pag aaral, pasensya, puyat, kakayahan at pagtutulungan.
May isang eksena lang akong hindi nagustihan na hindi ko alam kung bakit nila iniba sa libro, ung unang lalaking natikman ung serbisyo ni Fantine, dapat rape scene un.
Si Eponine ang ultimate friendzone at ang kanyang On My Own na solo ang Ulimate Song ng samahang iyon. Ung ABC Friends magagaling din sila, napukaw nila ang puso namin sa kanilang pagkilos. Gusto ko pa sanag magkwento ng magkwento kaso mas maiging panoorin niyo na lang ung Pelikula para mas maintindihan niyo ung kasayahan ko. *Insert tawang pa-cute here”
Elibs talaga ako kay Victor Hugo magsulat, kung may isang chance na ma-interview ko siya isa lang ang itatanong ko. Gusto ko lang malaman kung Calvinist Siya. Biro lang.

Ito ung pinaka natutunan ko sa Pelikula:

“May mga bagay talaga na kahit anong pilit natin hinding hindi mangyayari kahit ibuhos pa natin ang ating buong buhay. Ma”y mga bagay kasi na imbes na ipaglaban.. kailangang intindihin na lang… tanggapin. Madalas hindi ang senaryo ang kailangang mag iba para umayos tayo, tayo ang kailangang magbago. Ang lahat ng bagay ay may rason.

11 Responses to ““…there is a point when the unfortunate and the infamous are associated and confused in a word, a mortal word, les miserables””

  1. di ko pa napapanood kaya skip muna sa pagbasa😀

  2. Nagustuhan ko ang Les Miserables na pelikula dahil sa maraming aspeto.

    Sang-ayon at gustung-gusto ko naman ang konklusyon mo sa blog post na’to:

    “May mga bagay talaga na kahit anong pilit natin hinding hindi mangyayari kahit ibuhos pa natin ang ating buong buhay. Ma”y mga bagay kasi na imbes na ipaglaban.. kailangang intindihin na lang… tanggapin. Madalas hindi ang senaryo ang kailangang mag iba para umayos tayo, tayo ang kailangang magbago. Ang lahat ng bagay ay may rason. “

  3. Do not forget my name. Do not forget me, 24601. Nakakadepress pagkatapos.

  4. critics. pwede na! Yun na lang trabaho mo mas astig.
    Dun sa natutunan mo. MAsakit ho :3 haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: