The Adolfos


Iba talaga ang mga reunion ng mga Pinoy. Pagkain, madaming tao, palaro, pagkain ulit at unlimited photos.

At taon taon yan ginagawa, lalo na Angkan ng mga Adolfo. Adolfo ang middle name ko, so kamag anak nila ako. Tuwing Pasko or bagong taon lagi kaming may reunion. Sa totoo lang nung bata ako hindi ako masaya sa madaming tao dahil naiingayan ako at ayaw kong makipag halubilo. Pero ngayong natututo na akong  mahalin sila bilang binigay sa akin na Pamilya.

January 1, 2013. Back to our roots. Bakit? Family Tree, dapat kilalanin ang pinanggalingan para mas malinaw ang paroronan. Tsarlot! Pero totoo un, dapat may relasyon ang bawat isa sa Isang extended na Pamilya at isang paraan para magawa un ay ang kilalanin at magbalik tanaw sa pinanggalingan.

New Year 430Siya na lang ang natira sa “Roots” na tinatawag namin. Lola ko siya pero Mommy ang tawag namin. Sa America siya nakatira pero umuwi siya sa Piliinas para gawin ang Misyon niya dito.  Sa Condo niya ginanap ang reunion ngayong taon. Siya din ang punong abala.

New Year 432

Kainan na! Ako ung pinaka huling dumating, hindi dahil gusto ko maging bida kundi dahil may pasok ako. Buti na lang kaunti ang calls at nag VTO ako. Nagmadali agad akong pumunta sa Ortigas. Ang daming pagkain, masasarap talaga. Kaso mahina ako sa handaan kasi nakakalito kung ano ung kakainin ko kaya nauuwi sa kaunti o wala na lang.

New Year 438

Siguro ang highlight ng araw na un ay ung makita ko ulit si Lyssa, auntie ko siya dahil lola ko ung nanay niya pero pinsan ung turingan namin kasi nga magakkasing edad kami. Marami kaming mga childhood memories dahil dito siya nagbabakasyon noong mga 6 years old kami. Hilig naming magtago sa library, bumili sa tindahan kashit bawal kami lumabas, magbasa ng libro at hindi ko rin matandaan kung paano kami nagkakaintindihan dahil spokining dollars siya, siguro nag eenglish talaga ako nung bata tulad nung sabi sakin ng Nanay ko.

New Year 444

Mga Pinsan na gamers at cosplayers.

New Year 458

Mga Pinsan, kapatid at Uncle. Tropa daw sila.

New Year 477

Syempre, kasama ang Beatles shirt ko.

New Year 483

Mga pinsang madalang kong makita.

New Year 498


New Year 505

New Year 529

Games!!! Hindi mawawala ung games sa reunion. BINGGO nag napagkaisahan na laruin ng buong angkan. Ang premyo ay mga tsokolate at 500php na pinag ambag ambagan. Nagbigay pa ako ng 50php dun. Balckout ang laro. At akalain mo, AKO ang nanalo. Tawa sila ng tawa kasi hindi naman ako seryoso sa paglalaro. Mandatory kasi ung BINGGO na games.

New Year 538New Year 580New Year 609

Syempre to End the Reunion, kailangang mag Pinoy Henyo at per Family ang labanan. Nakakatawa kasi si Lyssa sumali pero tagalog word ang ipapahula. Nakakatawa talaga. Nakalimutan ko na kasi makakalimutin ako. Pero all in all, natuwa ako sa Reunion namin na un hindi dahil wala akong choice kundi dahil masaya sila. Ung mga ngiti namin alam mong hindi peke at na-enjoy ko talaga sayang nga lang at hindi ako nakaabot sa Devotion. Next year ulit mga Adolfos

New Year 646New Year 725

Mama, Anyareh? 

2 Responses to “The Adolfos”

  1. sino yung naka beatles shirt? pretty.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: