Isang Pahina sa Diary (Pt.2)


Alam ko na ang salitang pag-ibig ay sagrado. Alam ko din na ang salitang ito ay pandiwa. Para sa akin ito ay nararamdaman dahil ito ay pinadadama. Minahal ko siya, sinubukan kong ibigay ang buhay ko sa kanya. Pero hindi ko akalain na mawawala ang pag-ibig na iyon na ganun na lang. Sa totoo lang hindi naman un nawala ng parang isang iglap. Sinubukan kong iligtas ang relasyon namin pero hindi ko alam na huli na pala ang lahat.. huli na pala ang lahat na wala na akong nararamdaman sa kanya.

Parang isang basong tubig na naubos dahil sa uhaw. Parang isang rosas na nalanta dahil sa init. Parang pawis na bumaho dahil hindi naligo.

Isang dahilan na rin siguro ay nung nakilala ko siya. Siya na walang alam sa tunay kong nararamdaman, siya na maganda ang mata, siya na malambing, siya na nagpatibok muli ng puso ko. Noong una ay kaibigan ko siya dahil magaan ang loob ko sa kanya. Masaya pala siyang kasama.

Lumipas ang mga araw na gusto ko na siya na palaging kasama. Gusto kong naririnig ung mga tawa niya, makita ang ngiti niya. Tulungan siya sa mga bagay na nahihirapan siya. Gusto kong iparanas sa kanya ang maraming bagay na alam kong ikatutuwa niya. Isa siyang inosente para sa akin, at alam ko na ako ung makakatulong sa kanya. Hindi ako umamin dahil ayaw kong mawala siya. Hinayaan ko lang na mahulog ang loob ko sa kanya dahil alam kong nawawala na sa isa. Hinayaan kong mahalin ko siya ng palihim.. sasabihin ko din tatapusin ko lang ung storya namin nung nauna. Ginusto kong makilala siya, ng sa gayon ay maipakita ko ang sarili ko sa kanya. Noong mga panahong ginugugol ko ang oras ko sa kanya, wala namang natirang oras doon sa nauna.

“Hindi na ako masaya” yaan ang lumabas sa bibig ko habang umiiyak siya. Habang nakikipag hiwalay ako. Wala siyang salitang nabitawan, walang sampal.. puro iyak. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero naisip ko na lang na mas maigi na ito, maging totoo ako. Alam kong nasaktan ko siya pero ayaw ko ng magsisi dahil nasabi ko na. Isa pa, wala na rin akong babalikan dahil naatat na ako sa kinabukasan ko sa isa.

Sabihin niyo ng wala akong awa, salbahe ako at babaero pero hindi niyo alam ang nararamdaman ko.

“Hindi ikaw ung minahal ko, hindi ikaw ung kilala ko” yan ang huling daing niya sakin.

May mga araw na napapaisip ako pero sino ba ang tao na ayaw maging masaya?
Nagbabago ako at hindi ko ito gusto. Nalilito padin ako. Kailangan ko ng tulong, ngunit hindi ko kayang aminin un sa sarili ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: