Isang Pahina sa Diary


Ang pag gising sa madaling araw ang pinaka nakakalungkot na ginagawa ko ngayon. Naalimpungatan sabi ng iba pero para sa akin gising un para maalala mo ulit ung bangungot. Kung sa iba ang bangunot ay habang natutulog, ang sakin habang dilat ang kaisipan ko doon ako inaatake. Mga ilang buwan na rin tong nangyayari sa akin at alam kong marami pang buwan ang gugugulin ko.

Naalala ko ung unang alas dos na gising ko, para akong nalulunod pero nagising para lalong mahulog sa kumunoy. Kahit ang pag inom ng tubig ay hindi nakatulog. Iniyak ko na lang.

Anong mali sa pagmamahal ng tunay? sa pagbibigay at paglalaan ng buong pagkatao para sa minahal mo? Naramdaman ko na naman ang sakit na akala ko ay nakatakas na ako. Bumalik na naman ang pakiramdam noong unang nadurog ang puso ko. Ito ba ang magiging kapalit sa mabuting naipakita ko? Akala ko ganun kalalim at katibay ang pagmamahalan namin. Akala ko ang pagbibigay ko ng buong panahon ko sa relasyon namin ang magiging pundasyon namin.. ngunit hindi pala. Napapaisip tuloy ako kung ako lang ba ang nagmahal at siya ba ay inisip lang ang sarili. Paanong sa isang idlap nawala ang lahat sa amin? Pero binigay ko ang lahat.. kahit na minsan ay hindi ko kaya.

Ang pag iibigan namin na akala ko ay parang isang kalmadong batis at nasira ng isang alon na hindi ko alam kung saan nagmula. Siguro alam ko, siguro nasabi niya sa akin pero bakit ganun na lang niya tinapon?

Alas tres na pero ganun padin ang mga tanong na naglalaro sa isip ko.

Ang hirap kimkimin ng damdamin, ng lungkot, ng pagkabalisa. MInsan hindi ko na nga alam kung ano ung nararamdaman ko, kung may nararamdaman pa ba ako at kung buhay pa ba ako. Mahirap, lalo na kapag nakikita mo ang taong mahal mo na iba na ang ibig sabihin ng kasiyahan. Kabisado mo kung sino siya pero para na siyang ibang tao na hindi mo kilala. Ibang tao na hindi pinahalagahan kung ano ang pinanghahawakan niyo.

Alas singko na at pagod na akong umiyak. Umaga na naman… pero pakiramdam ko ay hindi sumisikat ang araw sa akin. Tulad nga ng sabi ko kanina… marami pa akong buwan ng gugugulin sa bangungot na ito. Kailangan ko ng pag-asa, alam kong may pag-asa…

4 Responses to “Isang Pahina sa Diary”

  1. hmmmm, kung ang mga bagay-bagay na di gumagalaw at walang buhay ay may pagkakataong magbago, paano pa kaya ang tao, may isip, may puso, may damdamin at may sariling pagpili, paano pa nga ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: