Hindi


Kung hinihintay mo ako sa dating tagpuan, sinasabi ko sayong hinding hindi mo na ako makikita doon. Bumalik ang dating pakiramdam, dumagdag ang pagod at pagka-inis pero itaga mo sa bato, hinding hindi na.
Natuto na ako, nasaktan dahil sa kalokohan ko. Sabi nga nila, kapag naulit ang isang bagay na pinagsisihan mo ay hindi mo talaga ito pinagsisihan. Sinungaling ako pero kakayanin kong tumupad sa pangako, sisikapin ko.
Andito ako sa pagitan ng pagod at inis. Andito ako sa kaunting kurot ng lungkot.. Wala na akong magagawa pa kundi ibahin ko ang pagtingin ko sa mga bagay bagay dahil may mga pangyayaring hindi ko mapipigilan. Lahat ng ito ay nasa plano, lahat ng ito ay hinayaang mangyari upang maipakita ang Kanyang Kabanalan. Minsan akala kasi natin ung pangyayari ang dapat baguhin un pala mismong mga sarili natin.
Bago natin sabihin sa iba na tignan nila ang sarili nila bago magpuna, sabihin muna natin sa sarili natin un at hindi tayo ang dapat magsabi nun dahil pinuna na natin ang kamalian natin. Hindi pagiging perpekto ang labanan kung hindi ang paghawak sa Pag-asa.. pag-asa na sa bandang huli ay wala ng sakit, pait at pagkamuhi. Wala ng pagsisisi. Kung mali, humingi ng tawad. Kung nasaktan, magpatawad. Kung nagkamali at napansin, tanggapin. Pare-parehas lang naman ang pinagdadaanan natin ibat ibang pangyayari lang, at ang paraan ng ating pagtanggap at pag responde ang tinitignan. Madalas kapag wala na akong magawa kundi ang umiyak dahil sa sakit at problema, iniisip ko lang na ang buhay ko ay hindi na tungkol sa akin. Napabuti ng Panginoon dahil niligtas Niya ako at sapat na iyon.

Kung ako sayo umalis ka na, dahil darating din ang panahon na ikaw ay mawawala.
Uulitin ko, hindi na ako darating. Hindi mo na ako malalambing. Hindi na ako babalik sa dating tagpuan dahil nahanap ko na ang lunas sa masalimuot na ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: