Mahal Kita kahit ganyan ka talaga!


_MG_0388

Sinimulan namin ang kaarawan Niya sa isang seminar. Seminar about leadership na pinangunahan ni Pator Alex Pactacunan. Marami akong natutunan tulad ng.. “Kailangan mo lang sabihin ang mga bagay na dapat nilang malaman kasi matutunan nila” Madalas kasi dahil sa hilig nating magdaldal todo salita lang tapos magugulat tayo kasi hindi nila natutunan dahil nga hindi pa dapat matutunan. Nitong mga huling araw, frustrated talaga ako sa mga nangyayari… (ay ibang blog post na lang un) birthday post pala to kay Nobyo.

_MG_0390

_MG_0391

Ang Birthday boy at si Jaymar habang naglalaro ng Walking Dead.

_MG_0394Hindi ako naniniwala sa Panata pero taon taon tuwing kaarawan niya, sinasamahan ko siyang kumain ng cakes. Mahilig kasi siya sa matamis tulad ng pagka-away ko sa matamis. Araw niya kapag birthday niya, kaya sasamahan ko.. hindi kahit ayaw ko. Automatic na nagiging paborito ko ang matatamis na pagkain kapag birthday niya.

_MG_0416

White Chocolate Sansrival at ang hot na hot na Choco Chili.

Sakto ung anghang, tamis at init ng tsokolate. Thumbs up

_MG_0420At ang regalo ko sa kanya na Tshirt , pabrito niya kasi ung cartoon na Cockroach Tsarlot  ba un.

aWE     THE    CUTEST

Naalala ko may nagsabi samin na wag na kaming maghiwalay dahil parehas kaming pangit at wala ng magkakagusto samin. We beg to disagree. Cute kaya namin. Kitams!

_MG_0489At syempre hindi mawawala ang kakulitan niya dahil araw niya un. Automatic  na pinapatawa niya ako kapag wala ako sa mood at pagod. Napakagaling niya sa bagay na un. Buti hindi kami nahuli  at nakita ng guard.

PS // Hindi po siya nabasa.

_MG_0493Nakadikit na kay Chin ang salitang “Ukay”. Siya ang shopping buddy ko at oo inaabot kami ng kalahating oras sa kaka-Ukay. Suko na ako siya ayos pa din. Bilib naman kasi ako sa kanya maghanap ng  “good stuff” sa mga ukayan. At ang masaya nito ako ang lagi niyang binibilhan ng damit.

_MG_0535

Ugali na niya na regaluhan ako kapag birthday niya. Taon  taon pabango, nakakapikon na nga eh. Ganun  ba ako kabaho? JOKE.  Tapos binilhan pa niya ako ng mga bagong damit.

Chin: Sabi mo kasi ung mga damit mo di na kasya sayo bili na lang tayo ng mga bago

Me: @@

_MG_0561

At tatapusin ko ito ng isang madramang photo. (With no make up)

Tulad nga ng post ko sa facebook niya na may 43 likes and counting galing sa mga kaibigan namin. Mahal ko Siya at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil niligtas Niya si Christian. Dahil pinanhintulutan ng Diyos na magmahalan kami. Ay ang tamis! Laki ng pisngi ko dyan sa photo diba? Alam niyo yan.

2 Responses to “Mahal Kita kahit ganyan ka talaga!”

  1. ang pagmamahal nga naman, kahit tamis o pait, mapa-ano pa mang lasa ay siya pa ring tinatangkilik ng walang pag-aalinlangan at pagdadalawang isip.

    smile…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: