Ang ganda pala ung vocalist nung General Luna.


1111Hindi ako mahilig pumunta sa mga “parties” na tinatawag pero marunong ako tumupad ng pangako.

At ito ang sinasabi na Christmas Party ng Kmpanyang pinapasukan ko. SMX Convention Center, 8pm, Sabado.  Nangako kasi ako sa mga kaibigan ko sa ibang center na makikipagkita ako sa kanila bago matapos ang taon. At sa ayaw ko man o hindi, ito ung pagkakataon un. Hindi naman ako bitter sa nasabing event dahil natuwa naman ako, ang sakin lang. Ayaw ko talagang pumunta sa mga “gatherings” lalo na kapag related sa trabaho. Hindi ko rin alam kung bakit, pero di na mahalaga un.

Ang traffic papunta, siguro kasi sabado at malapit na magpasko kaya todo shopping ang mga tao. Kasama ang mga ka-trabaho ko saktong 8pm kami nakarating sa lugar. Maraming tao, maraming nka porma, maraming magaganda at gwapo… kaso wala akong pakialam sa kanila. Pagpasok namin ayos sa ilaw, kumain agad kami dahil sa haba ng byahe. Magkakasama kami, tawanan, kulitan. Isang rason din kung bakit ako nagpunta ay magkuha ng litrato. Tama, feeling photographer ako noong gabing un. General Luna at Bamboo ung hinintay kong tumugtog. First time kong mapanod ng live ung bandang General Luna at aamin ako, napakaganda nilang mga rakstars. Rak en Roll talaga tugtugan nila, kaso hindi ko trip. Inantay ko ung Bamboo, hindi ko na mga kilala ung mga band members niya, pero mahusay padin.. puro old songs (Rivermaya) ung tinugtog, pakiramdam ko tumatanda na si Bamboo (malikot siya sa stage pero hindi sing likot dati) . Masaya ako noong gabing un dahil nakita ko ulit ung mga dating ka-trabaho ko. Kwentuhan, kodakan at tawanan ang ginawa namin.

Saktong 11pm umalis na ako dahil ang aking taga-sundo ay dumating na. Matyaga siya at kumain kami sa Mcdo tapos bumyahe na pauwi. Nakarating ako sa bahay ng 2am dahil na rin sa traffic.

Ang natandaan ko lang sa party ay ung glow in the dark nilang stamp para sa entrance. Tapos nabalitaan kong maraming half day at absent kinabukasan sa Opisina. Tsk

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: