Minsan, madalas.


Minsan, nakakatamad magsulat. Parang pag alis ng muta sa mata kapag bagong gising, gusto mong alisin kaso masakit. Pero di tulad ng sakit na sanhi ng katangahan. Madalas, nakakabuo ako ng himig na walang nota sa isip ko lang, maari ko ba ung mahalintulad sa isang tao na umiibig gamit ang utak? Hindi na lang. Minsan kapag malungkot ako, mas lalo pa akong nakikinig sa mga kantang malulungkot, sayang ang emosyon minsan dapat gamitin. Madalas, pinipili kong wag maging malungkot, mas marami kasing dahilan ang magdiwang. Hindi ko birthday pero pakiramdam ko espesyal ako, ayaw ko naman  ng atensyon. Ayaw ko ng pinapansin ako, ayaw ko ng madaming tanong lalo na’t kaya kong sagutin. Ayaw ko, pero hindi na ako ito.

2 018

Madalas, akala nila lagi akong nakangiti. Ang hindi nila alam after 5 seconds ngipin ko na lang un, wala ng effort.  Minsan, hindi ako nagbabasa ng messages sa fb at sms sa cellphone, madalas hindi ako nagse-save ng number sa contacts. Minsan, mas gusto kong makinig ng secular music tapos naalala ko ang nakaraan. Minsan gusto ko umayaw dahil ayaw ko sa hindi ako kumportable. Minsan ayaw kong magsabi ng mga ganito kasi natatakot ako sa sasabihin ng iba. Madalas lagi akong nang huhusga, kaya galit ako sa mga nanghuhusga. Minsan wala akong gana, pero madalas ko itong nilalabanan. Minsan gusto kong lumayo, minsan gusto kong matulog na lang. Maari kayang matulog ng isang taon? Pero sabi, be alert at all times. Alam kong hindi ako magiging alerto kapag nakababad ako sa panaginip. Minsan gusto kong sumigaw ng “Nakakasakal”, minsan iniisp ko na nagiging mapanghusga na tayo. Madalas pala, minsan naiinis ako sa facebook news feed ko kasi puro pang sarili lang ang iniiisip.. pero isa rin akong makasarili. Minsan gusto kong isipin na wala na akong patutunguhan. Pero hindi, dahil sa Diyos ako kumukuha ng lakas.

Oo, tao lang ako at madalas palpak. Pero ang Diyos ay hindi nagbabago. Ang Diyos ko ay buhay at sa Kanya ako kumukuha ng lakas, sa Kanya ako humihinga at Siya ang baga ko na hingahan. Siya ang aking Ibig sabihin.

Hindi na ako nabubuhay para sa sarili ko. Hindi na ako ito.

One Response to “Minsan, madalas.”

  1. ang minsan daw, ay magpakailanman…. ayon sa isang peborit na kanta.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: