Nagsasa 2012!


Yearly na naming ginagawa na mag beach kasama ng mga kaibigan namin. Mga pwedeng isama, panata ba tawag dun? Ay hindi po.

So ngayong taon, noong nakaraans summer. We danced in Zambales, We felt the heat in Zambales. Nagsasa baby! sabi nga nila lalagyan mo daw ng baby ung mga salitang gusto mong i-emphasize. Baby, yeah!


Ang mga kasama sa Bakasyon; Ako at si Christian, Megi, Ryan, Sunday at dalawang homeboys namin na sila Nono at Lj. Hindi kami nakatulog nung kinagabihan ng pag-alis namin dahil sa sobrang kulit ng mga homeboys.
4am kami umalis ng bahay at sinimulan namin un ng Panalangin, saktong 4:40am kami nakarating sa Victory Terminal sa Caloocan. Apat na oras na byahe para sa dalawang araw na bakasyon.

Pag dating namin sa San Antonio, diretso agad kami sa bahay ni Tatay Ariel. Si Tatay Ariel (09162868353) ay 4 na taon na naming bangkero kapag pumupunta kami sa Zambales. Ung tiwala namin sa kanya habang umaandar ang bangka ay sobrang taas, parang nasa tuktok ng bundok. Nagpaluto kami kay Nanay ng kanin at nag antay lang ng 30 minuto bago umalis. Nga pala, walang signal sa lugar na pupuntahan namin kaya naman nag teteteks-ting! na kami sa mga mahal namin sa buhay.

Nagpapaalam…

Isang oras ung byahe sa bangka, noon una ramdam ko ung takot nila habang nakasakay kami. Tapos nag sisigawan pa kami. Noong nangalahati na at kitang kita na ung lalim ng dagat, mas pinili namin manahimik at damhin na lang ang napaka gandang tanawin na nakikita namin. Nakakamangha kasi totoong napaka galing ng Diyos sa paglika Niya sa Zambales. Napakagaling Niya.


Dalawang araw sulit! Hindi ko malilimutan ung experience namin na un. Ung natutulog kayo sa loob ng tent tapos akala mo umuulan kasi sobrang lakas ng hangin tapos sobrang himbing ng tulog mo. Pag gising mo, malalaman mo na hindi pala umulan… tunog pala un ng mga Pine Trees na sumasayaw. Parang poetry. BOOM! Walang kuryente sa lugar pero hindi naging sagabal un para hindi kami mag-enjoy.Devotion sa umaga, nakapag nilay nilay. Ang mamahalin mo lalo ung Creator hindi ung nilikha Niya. Masayang Parte din ung nag bundok kami at hinanap namin ung falls, nakakatuwa kasi halos isang oras at kalahati kaming naglakbay. Hindi kami nagsama ng guide kasi akala namin mahal, un pala 30php lang. Nakakatuwa kasi si Lj, Nono at Sunday first time nila ma-experience un, talagang ung ngiti sa mukha nila… Priceless. Tawa lang kami ng tawa at kumakanta noong naglalakad. Hindi kami nakarating sa Capones kasi noong pauwi kami High Tide na, natabunan na ung lugar. Dinaan na lang kmi ni Tatay doon sa bagong isla na nakalimutan ko ang tawag at dahil bago lang, walang tao. Umuwi kaming hindi pagod ngunit pagod. Ramdam mo un?

Noong nasa byahe kami sa Bus. Magkakatabi sila Sunday, Lj at Nono at imbes na matulog sila dahil gabi na… nagkwentuhan pa sila sa mga nangyari at napagalitan tuloy sila noong isang pasahero. Nanahimik naman sila pagtapos. Nagpaalam kami sa isa’t-isa ng may ngiti sa labi.

Sa Summer 2013, Pangasinan naman kami. May nalaman akong Isla doon na wala pang nagmamay-ari at maganda. Ang mga bakasyon kasi namin ay hindi ung may night life, maraming tao… gusto ko kasi talaga ung nature lang, hindi mainstream, Kalma lang. Isa pa, mas masaya ung bakasyon na hindi ka masyadong gagastos. Para pag uwi mo, ang maalala mo ung mga nangyari hindi ung mga naubos mong pera. Spend your vacation wisely.

Itinerary at Gastos:

1st Day; March 26, 2012:

4:00am-4:40am: Novaliches to Caloocan 13php (Jeep)
5:00am-9:00am: Caloocan to San Antonio 260php (Victory Liner)
9:00am-9:15am: San Antonio to Pundaquit 30php (Trayk)
9:15am-9:30am: Pahinga, Tambay, Usap kay Tatay Ariel (Sa Bahay nila)
9:30am-10:30am: Pundaquit to Nagsasa 2,500php (Tatay Ariel)
10:30am-11:00am: Arrival, Ayos gamit, Cottage, Tent at bayad 100php entrance fee sa Nagsasa (Overnight)
11:00am-1:00pm: Prep for lunch, Swim with Photo-Ops, Lunch
1:00pm-5:00pm: Explore Nagsasa, Swim sa Ilog, Dagat, Makipag usap sa mga lokal, Photo-Ops, Prep for Bonfire
5:00pm-8:00pm: Bonfire, Prep for dinner, Dinner, Bonding/Relaks
8:00pm-9:00pm: Marshmallow sa Bonfire
9:00pm-6:00am: SLEEEEEEEP (Mga takaw kami sa tuloy)

2nd Day; March 27, 2012:

6:00am-7:00am: Prayer Time, Devotion
7:00am-8:00am: Bonding, Photo-Ops, Lakad with Ze Girls
8:00am-9:00am: Swim sa Ilog at Dagat, Breakfast
9:00am-11:00am: Mamundok at Hanapin ang Falls (The Best!)
11:00pm-12:00pm: Swim, Ligpit ng gamit, Prep sa Pag-alis
12:00pm-2:00pm: Island Hopping! At pabalik sa Pundaquit
2:00pm-3:00pm: Ligo, Stay sa bahay ni Tatay Ariel
3:00pm-8:00pm: San Antonio to Olongapo, Kain sa Chowking, Olongapo to SM North 275php fare, 100php food
8:00pm-8:30pm: SM North to Novaliches 25php (FX)
8:30pm-9:30pm: Partey sa bahay. (Birthday ni Benok)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: