Isang linggong… parang pag-ibig.


Oras na para i-kwento ko ang isang linggo ko. Hindi ako magpapaka makata… normal lang.  :P (malaking belat face)

Isang linggo. November 5-12, 2012

Photo Spam Ahead….. Ingat


Lunes… nang tayo’y magkakilala…

J.CO Fever? Masasarap sila, hindi masyadong matamis. Kaya pala nakikita ko puro karton ng j.co kasi mas mura kapag isang dosena ang bibilhin mo. Kahit maraming nagagalit dahil kasing haba ng pila ng bigas ung pila sa counter.. Sabi din nila overrated ung donuts na to. Maayos naman para sa taste buds kong hindi masyadong mahilig sa matamis.

Favorite:  Green Tea, Tiramisu

Balik Mon-date kami. Kamusta kami? Tulad nga nung isa kong malapit na kaibigan na tinanong kung kamusta na kami ni Christian. Maayos kami, tuwing lunes ang date namin. Tuesday day off namin sa isa’t isa. From Wednesday to Sunday kasi Ministry ang mas importante. Nagkakapikunan pa rin kami minsan, pero alam na naming tumahimik kapag kailangan.  Mas maayos dahil ngayon may mga adults/elders na kaming nakakausap tungkol sa tamang pakikipag relasyon at marami kaming natututunan at matututunan pa.

Pag uwi ko ng bahay, nagluluto si Choloy ng Cake. Pupunta pala kami sa Antipolo para mag dinner at i-welcome si Ate Camille. Masaya mag road trip sa gabi tapos bukas kailangan mong gumising ng 4am para pumasok sa trabaho. Kulang man sa tulog, masarap naman ang mga pagkain at naka bonding namin ang mga Franco.

 

Martes.. nang tayo’y muling…

After Shift.. nagkita kami ni Weng para gumawa ng homework at para mag mentoring session. Inuna namin ung assignment namin ss Methods pero hindi kinaya kaya mentoring session na lang. Nag passage kami, kamustahan, planning, at prayer time.  Isa siya sa pinagkakatiwalan kong tao at kahit sa sms nagkakaintindihan kami.  At nananalangin kami na mas maging matatag pa ung relasyon namin sa gabay ng Diyos.

Miyerkules.. natapat ka…

After shift nagkita kami ni Yssa at Choloy para mag shoot. Kaso late dumating si Yssa kaya nag coffee time kami habang nag aantay na mag Alas-Sais para sa Midweek Class. Nagkamustahan kami at nag devotion na din.

1 Peter 1:6-7

In all this you greatly rejoice, though now for a little while you may have had to suffer grief in all kinds of trialsThese have come so that the proven genuineness of your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed

Noong panahon na un, marami kaming pinagdadaanan. Pero tulad nga ng sabi ng Diyos, “for a little while” na may trials and sufferings. Kasi hindi natin maikukumpara ang buhay dito sa Eternity natin kasama ang Diyos.

After ng devotion, dumiretso kami sa Church para mag midweek. Study of The Holy Spirit kami ngayon.

Huwebes.. at inibig din…

Ito ang aking work station. Dito ko ginugugol ang aking Siyam na oras na pagtatrabaho. Sa pagkakaalam ng ilan, kailangan kong iwan ung post ko bilang paghahandle ng Team dahil sa aking pag-aaral. Balik agent ako, oo. Ang totoo masaya ako.  May Challenge ung dati kong post pero may challenge din sa pagiging agent. Masaya ung mga team mates ko… tulad nila…

TEAM SRG! Lap3

Biyernes ay punong puno…

Biyernes Food trip day!

Sabado…

Mahirap mag aral, ngayon ko lang ata napagtanto noong akala ko ay huli na ang lahat. Bible School Student ako sa ngayon. 3rd Block na at ngayon lang ako nakaramdam ng Passion towards sa pag-aaral. Im taking up Practical Ministry and still asking for God’s will kung gusto Niya akong magpatuloy ng Christian Education/Biblical Studies. 

Isang taho bago pumasok sa Old Testament Survey. Sinama ko si LJ at Dabeng sa klase para makita nila kung paano ang Class Interaction sa Bible School. Akala ko aantukin sila pero gising na gising sila at galing na galing sa mga propesor. Sabi nga ni Pastor Kit, mag-aral ng maigi at Isabuhay para maging mabuting patotoo. 11am klase para sa Methods, pinag recite ako ni Pastor Correa at sobrang kabado ako nun. By God’s grace na-explain ko ung Character Method na ginawa ko. Pagtapos ng klase umuwi at natulog. Gumising ng Alas kwatro ng hapon para sa Small Group ng Esthers. Masasabi kong ang Esthers ang grupo ng mga Kaibigan ko na komportable akong magsalita, tumawa at umiyak. Salamat Panginoon sa mga ganitong Kaibigan.

Linggo..

Araw para sa Diyos. Araw-araw para sa Diyos pero ang Linggo para sa akin ay espesyal.

“Ito ung isang araw na Application Day ang tawag ko dahil sa buong anim na araw ng Devotions mo dito ang Application, kung paano ka magiging blessing at kapatid sa mga kapatiran mo.”

Masyadong mabulaklak ang araw na ito para sa mga Salita.

Isang oras ko tong ginawa. Ganito ang Isang Linggo ko, hanggang sa muli.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: