Unang kanta na naging teorya -Sep 28, ’09


Kung gagawa ako ng kanta ayaw ko ng may tunog, gusto ko pipikit lang kayo tapos iisipin niyo ang mga sasabihin ko.Kaso hindi ako kailanman makakagawa ng kanta, aaminin ko na. Wala akong kakayahan.
Bawat kanta may intro, ung first stanza kasama dun.
Pipikit ako, nasa istasyon ng tren. Nakatayo, dadaan ang tren pero hindi ako sasakay, magulo ang mga tao at nag uunahan pero hindi ako makikipagsiksikan. Nakapikit lang ako, hawak ang bag hinahangin ang buhok at kinakabahan dahil sa hangin at baka mawala ang balanse ng pagkakatayo dahil sa impact ng pagtakbo ng tren.Pakiramdam ko mamamatay na ako, sabi nila kapag bago mamatay mag fa-flashback ang lahat ng eksena ng buhay mo na importante. Pero ang flashback sa akin, ay ung mga dati kong ginagawa na ayaw ko ng balikan. Mga pagkakamali.. Biglang tutulo ung luha ko. Hindi ko namalayan naging ganun pala ako dati, hindi ko namalayang naging masaya ako sa mga naging kasalanan ko, hindi ko maaming naging mali ang kasiyahang naramdaman ko noon.Hindi ko na kayang balikan ang nakaraan, ang naiwan na lang sakin ay mga alaala. Hindi na niya ako masasaktan dahil natapos na ang mga nangyari. Hindi na niya ako mababago, maapektuhan dahil nabago na niya ako dati.

“Created for a place I’ve never known”

Totoo na sa buhay, hindi mo kalaban ang mga pangyayari, mga taong nasa pangyayari at ang damdamin mo dahil sa pangayayari. Ang kalaban mo ay iisa lang, ang kalaban mo ay ang maling pagkilala mo sa pagmamahal mo sa mundo. Maiisip ko un, tapos didilat ung mga mata ko dahil pupunasan ko na ung luha ko. Titingin ako sa kaliwa, may guwardiya. Sa kanan, kalsada. Pipiliin ko ang kalsada, Ngingiti ako. Maglalakad papunta sa kalsada. Umuulan at wala akong payong pero maglalakad parin ako. Ung pakiramdam na ako lang ang naglalakad, dahil di ko na matago ang katotohanang nalaman ko na pwede akong maligtas, pwede akong maging pang habang buhay.

Hawak ko ang puso ko, inaantay ang susunod na mangyayari. Hindi ako nag-iisa.

Sabay Chorus…

Eto ang hinahanap ko, eto ang dapat kong katayuan.
Dito ako nabibilang.

Lahat ng oras na nasayang ko noon, lahat ng tanong na akala kong hindi ko masasagot.Iba na ang pag-iisip ko at ang punla na pinaghuhugutan ng pag-ibig ko.Alam ko na ngayon na dapat lumubog ang araw, para kinabukasan may oras siya at may sigla na sumikat ulit.

Coda part:

Nakatayo ako sa gitna, walang sasakyan. Ulan lang at basang basa. Nakataas ang mga kamay. Kung pwede nga lang ay umakyat ako sa bundok para maramdaman ang kalayaang nabigay sa akin. Nakatango sa langit. Ako ay biyaya. Sa kadahilanan niya.

Hindi ako dapat tamaring mabuhay, wala akong karapatang mapagod.Dahil ang buhay ko ay hindi para sa akin, kung hindi para sa kanya.

Huling tatlong segundo ng kanta:

“Miss, terminal na po ng bayan”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: