Asin at Ilaw


Habang siya ay sumisigaw, ako naman ay tahimik.
Sa tuwing siya ay may napupuna, ako naman ay nagmamasid.
Nagmamasid, tulad ng hangin na hindi mo napapansin pero alam mong naroon.
Tulad ng kalmadong batis sa dapit hapon
Nagmamasid, tulad ng bulong.

Bulong na hindi pwedeng maging sigaw.
Batingaw
Sigaw na nakakadagdag ng ingay ngunit walang saysay.
Mahapding singaw ay sigaw
Singaw na sa asin ay natutunaw.

Ang lahat ng sa akin ay nawala, pero hindi ako nabigla.
Ang lahat ng kaniya’y dumagdag pero siya parin ay nabagabag.
Hindi nabigla dahil may kapayapaan, Nabagabag dahil walang kakuntentuhan

May pagkakaiba ngunit parehas makasalanan.
Ang isa’y nakakulong sa realidad ang isa’y malaya sa katotohanan.
Katotohanan.
Habang siya’y maingay, ako ay tahimik.
Habang ako ay payapa, siya’y may pagkukubli
Sigaw, singaw
Tahimik

3 Responses to “Asin at Ilaw”

  1. paumanhin, nais kong itanong ang kaugnayan ng titulo sa nilalaman, ito’y sa akin nag-iwan ng pag-iisip?

    • Huwag kang magpaumanhin, natural lang ang magtanong.🙂
      Asin- maalat
      Ilaw- nagbibigay liwanag sa madilim na lugar

      Dalawang tao ung nilalaman ng tulang nasulat ko. Ung titulo ang maari nating matawag na “lanel” doon sa taong… marunong umintindi.
      Sa mga taong, marunong mabuhay…
      Kailangan ng alat at liwanag ang mundong ito.🙂

      • hmmm…

        maka-ilang beses na binasa
        ngunit hirap mahinuha
        kung kaya’t nagpasya
        magtanong-tanong muna

        at nang matuklasan
        ang sagot sa katanungan
        mas lalong nagustuhan
        ang tulang nasumpungan…bow

        salamat sa pagtatagpo ng ating mga tinta.

        smile…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: