May mga bagay sa mundo na hindi pwede ang shortcut.


Nagmadali kami. Nagkamali kami.
Nagkamali na kami ng daan, mahilig kasi kaming sumubok ng mga bagay na hindi sigurado. Mga bagay na hindi kabisado.
Nagkamali na kami ng daan, noong panahon na akala namin ay hawak na namin ang kinabukasan.
Noong pagkakataong pinilit naming pabilisin mga bagay na mas maiging binibigyan ng panahon.
Panahon upang mas lalong maintindihan. Upang di masaktan. Upang hindi makasakit. Upang lalong maunanawaan.

Natuto na kami. Kaso masakit. Nasaktan, kaya kami natuto.
Natuto na kaming may mga bagay na hindi maaring gawin dahil hindi mo pa kaya.
Hindi ka pa responsable at hindi pa nararapat.
Mga bagay na akala namin ay totoo, un pala ay masalimuot na kasinungalingan lamang.
Masakit, pero ito lang ang tanging paraan.
Na ang akala naming pag-ibig ay pagiging makasarili pala.
Na ang mga pangarap namin ay bangungot pala.
Natuto kaming dalawa.

Mag hihintay kami.
Mag hihintay kami kahit sa tingin ng iba ay huli na ang lahat.
Oo, hindi mabubura ang peklat pero ang sugat ay humilom na.
Ang peklat ay isang pagkatuto. Isang marka ng pinagdaanan.
Pero kami ay bago na, kami ay binago na Niya.
At kami ay naniniwala na darating ang araw na mawawala ang lahat ng sakit, luha at pasakit.
At mag hihintay kami… sa tamang panahon na noong una ay ninakaw namin.
Hindi kami maiingit sa mga litrato nilang magkayakap, sa mga labi nilang magkadikit
Sa mga damdamin nilang mainit.
Ayaw na naming mapaso.
Mapaso ng maling ibig sabihin ng Pag-Ibig.
Mag hihintay kami. Dahil nalaman na namin tunay na ibig sabihin nito.
Hinintay Niya kami.
Mag hihintay kami.. Mag hihintay kami…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: