Mag comment ka sa blog post na ito, para hindi ka makulong. JOKE!


Martes ng tanghali, nagkakagulo sa twitter.com.
Paumanhin, inaamin ko na hindi na ako nanonood ng kahit anong palabas sa T.V. Nagtanong ako sa isa kong twitter friend kung ano ung blocked posts/ etc/ itim na def.pic. Tungkol nga daw ito sa lumalaganap na CyberCrime Law at si Sotto.
Sabi ko “Interesting”.
Google.com binasa ko ung laman ng CyberCrime Law at ung mga posts tungkol dito kasi gusto kong makialam. Makialam dahil isa akong Pilipino at isa ako sa mga gumagamit ng Internet.
Inisip ko lang dapat bago ako mag salita, tweet, kahit ano. Dapat alam ko kung saan ba ito tungkol. Hindi puro emosyon lang ung papairalin ko at todo dakdak ako ng hindi ko nauunawaan ung bagay na un.

Siguro naman alam natin lahat kung anong kaguluhan ang nangyayari. Kaguluhan para sa nakararami.
Lagi kong sinasabi na may dalawang kanto sa bawat pangyayari.

Una, tignan natin ang standard ng Tao sa bagay na ito. Ang mamamayan, nakakagalit nga naman. Pati ung pag like at pag comment sa mga social networking sites ay may kaukulang parusa na. Kaya nga nag joke time ako sa facebook ko noong martes kasi lahat sila puro CyberCrime Law na, “Wag mo i-like ang status na ito, makukulong ka”

Hindi ako sang ayon na aalisin ang “Freedom of Speech” natin sa internet. At talagang malaking epekto ito sa mga Pinoy, bakit? Tayo lang naman  po ay sobrang adik sa Internet. Lalo na sa Facebook. Libangan na natin to at minsan ay hanap-buhay pa.
Masama ang loob at galit ang mga kapwa ko Pilipino dahil nga sa bagong batas na ito. Sabi nga ng marami kaya lang ito nangyari dahil sa isang tao at un ay si Sotto.
Ang root cause daw nito ay dahil nga inalipusta sya ng mga tao dahil sa kanyang “Plagiarism”, naimbento nga ang salitang Sinotto dahil sa kanya.
Inalipusta? Lalakas kasi mang asar ng mga pinoy. Trending sa twitter at FB. Hindi man lang daw siya ni-respeto.
Public Figure kaya siya. Kaya dapat hindi siya pikon.
Pero minsan kasi below the belt na, hindi rin magandang pagtawanan ang kamalian ng isang tao. Huhusgahan natin siya dahil nangopya siya? Bakit? Sino ba sa atin ang hindi nangopya? Minsan kasi ung mga pang aasar na yan nagsisimula ng away diyan. Ayaw natin ng bullying, pero hidi natin alam suspect pala tayo sa ganung akto.
Sa aking palagay, nasaktan talaga siya. Kaso ang tanong mali ba ang naging responde niya sa bagay na un? Kaya nagawa ang “libel” sa batas na ito?
(Uulitin ko, Ang lahat ng nasa wordpress ko ay opinyon ko lamang, obserbasyon. Maaring mali, maaring tama pero may ipinapahiwatig)

Kaya totoo ang kasabihan na, “Think before you Click” kasi kahit na internet yan at madalas puro kalokohan at hindi dapat seryosohin. Dapat parin tayong maging responsable sa lahat ng aksyon natin.
Halos lahat ng pilipino online noong araw na un, (Oct. 2, 2012) Todo basa ng mga article para mas maintindihan ang batas na un.
Masasabi ko na iba ang ibig sabihin ng “React sa Respond” at mas maraming nag-react kesa sa nag respond sa issue na ito. Ginamitan agad ng emosyon, kasi ung ung nakikita eh. Minsan nga ung mga iba, hindi alam kung bakit itim ung nka def. photo sa facebook… nakiki-uso lang.
Dapat alam niyo ung pinaglalaban niyo. Kasi ang mga bagay lang na dpat ipaglaban ay ung mga bagay na handa mong ikamatay.

Lahat ng aksyon mo na gagamitan mo ng sobrang emosyon, mapapahamak ka. Masama ang sobra.
Masama ang sobrang kalayaan, dahil kung sobra ang kalayaan hindi ito matatawag na kalayaan. Ito ay pagpapabaya sa responsibilidad na binigay sayo.
Masama din ang sobrang higpit dahil ito ay pag abuso sa karapatang pang-tao.

Pro ba ako or Against? Bakit hindi ako nakikibaka sa mga itim ang def. photo?

Punta naman tayo sa standard ng Panginoon tungkol sa bagay na ito.

Romans 13:1-5

13 Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God. 2 Consequently, whoever rebels against the authority is rebelling against what God has instituted, and those who do so will bring judgment on themselves. 3 For rulers hold no terror for those who do right, but for those who do wrong. Do you want to be free from fear of the one in authority? Then do what is right and you will be commended. 4 For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on the wrongdoer. 5 Therefore, it is necessary to submit to the authorities, not only because of possible punishment but also as a matter of conscience.

Aray ko po! Yan ang sabi ng Bibliya sa batas. Kung hindi ka naniniwala sa Bibliya (Ibang issue yan, maari mo akong i-email at mag-usap tayo sa bagay na un)

Pero Ito ay salita ng Diyos at kailangan natin tong igalang at gawin.
God is in control.
Kahit ano pang mangyari sa atin, God is in control. Hindi lang sa sakuna naangkop ang God is in control eh, dapat sa lahat ng bagay.
Sumunod tayo.. kahit mahirap? Kahit walang sense ung batas?
Oo, Kristyano ka diba? Alam mong ang pagbigay papuri sa Kanya ang purpose natin sa buhay. At nabibigyan Siya ng papuri kung sumusunod tayo sa Kanya.
Eh, grabe naman kasi ung mga nasa gobyero natin eh, mga buhaya. Mga makasarili, wala ngang Diyos yang mga yan eh. Sarili nila ang Diyos nila.
Kalma. Basahin mo ulit,
For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on the wrongdoer.
May pananagutan sila sa Diyos, at sabi “Be afraid”
Ung pananagutan nung mga nasa gobyerno sila ang bahala dun sa Diyos. Ngayong ikaw ang taga sunod, kapag di ka sumunod may pananagutan ka din.
Eh kung patas ang Panginoon bakit bulok ung sistema natin ngayon?
Isa lang ang sagot diyan…
dahil sa kasalanan. Dahil sa kasalanan.
Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan, at dahil sa kasalanan kaya ganito ang nangyayari sa atin.
(Ulit, ibang topic ito, maari niyo akong kausapin tungkol dito)

Ngayon, kayo na ang mag-isip. Ask God for wisdom para mas maintindihan ang bagay na ito. Open mind and understanding heart sa mga nangyayari. Tiwala lang, alam ng Diyos ginagawa Niya. Lalo na kung anak ka Niya.

Sabi nga nung isang kaibigan ko sa facebook niya.. Nakakalungkot daw dahil ung mga kapatid Niyang Kristyano pa ung nakikita Niyang magreklamo at magsabi ng kung ano ano tungkol sa issue na ito.

May mga natutunan ako sa issue na ito:

  • Lahat ng sobra masama, kung paanong makaka-build up ka sa mga positibong bagay na sinasabi mo, ganun ding makakasira ka sa mga negatibo.
  • Think before you Click. Alam kong malaya tayong magsabi ng kung ano, pero may reponsibilidad tayo sa lahat ng sasabihin natin. Wag mo hayaang kainin mo ung mga sinabi mo.. dahil hindi mo ginamitan ng utak ung bibig mo.
  • Hindi mo makukuha ang taong nasasakupan mo sa pamamagitan ng paghihigpit. Lalo lang lalala ang lahat. Magkakasakitan at hindi makakatulong.
  • Intindihin mo muna bago ka mag-react. Bakit kaya siya ganun? Bakita ganito ang nangyayari? Kasi sa lahat ng pangyayari may “root cause”. Para hindi react ang maibabato mo kundi respond.

Naisip ko lang:
Ung sa anti smoking bill nga walang nangyari paano pa kaya ito?
Buti kung si Shaider ang manghuhuli sa mga suspect magiging mabilis.
At mas maigi kung magdadagdag muna sila ng selda para may mapaglagyan sila ng mga kriminal.

Tanong ko lang:
Masasabi mo bang may kalayaan kung nasasabi mo lang ung gusto mong sabihin? Mayroon kasing pagkakaton na magsalita at may pagkakataon para tumahimik.

One Response to “Mag comment ka sa blog post na ito, para hindi ka makulong. JOKE!”

  1. Rabi Abordo Says:

    discernment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: