Unang araw ng Oktubre


Hebrews 13: 15-16
15 Through Jesus, therefore, let us continually offer to God a sacrifice of praise—the fruit of lips that openly profess his name. 16 And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.

Since Jesus is our high priest,
Hebrews 4:14
“Therefore, since we have a great high priest who has gone through the heavens, Jesus the Son of God, let us hold firmly to the faith we profess”

at ung mediator natin sa Father.
1 Timothy 2:5
“For there is one God and one mediator between God and men, the man Christ Jesus,”

Kung hindi dahil sa kanya hindi tayo maaring mag offer ng kahit ano sa Ama. Lumalapit tayo sa Ngalan Niya.

Romans 5:1-2
“1Therefore, since we have been justified through faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, 2through whom we have gained access by faith into this grace in which we now stand. And we rejoice in the hope of the glory of God.”

Ang offering and sacrifice natin,  lahat ng ginagawa natin lalong lalo na ang mag puri ay dahil sa grasya ng Panginoon.

“Therefore, let us continually” — walang sawa, tuloy tuloy. Offer to God our sacrifice–  of what?
of praise kasi ung sacrifice talaga tapos na. It is done by Christ. Un ung perfect sacrifice. Hindi na tayo magsasacrifice para ipaglaban ung pwesto natin sa Ama dahil nga hindi naman talaga natin kayang gawin un. Ang gumawa nun si Kristo. Kaya ang satin ay papuri… since ito ung purpose natin sa buhay dahil tayo ay mga anak at ginawa Niya.

Praise? the fruit of the lips… professing His name.
Psalm 63:3
“Because your love is better than life, my lips will glorify you.

Do good to others, share with others.
Ano nga ulit ung dalawang greatest commandments?
Matthew 22:36-40
“37 Jesus replied: “‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’[a] 38 This is the first and greatest commandment. 39 And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’40 All the Law and the Prophets hang on these two commandments.”

Una, lagi mong tatandaan na nabubuhay ka lang sa grasya ng Panginoon. Kahit malungkot ka, problemado. May grasya padin ang Panginoon na makikita mo sa buhay mo. Ung paghinga mo, galing sa Kanya un. Kapag ba malungkot ka at problemado hindi ka na makahinga? Sa Kanya nga nanggagaling ung lakas natin para maging matatag araw araw. Hindi tayo makakapag puri sa Ama kung hindi sa ginawa ni Kristo. Kaya wala tayong maipagmamayabang, wala akong maipagmamayabang.  Sa lahat.. sa minitsry, sa buhay ko.. lahat un grasya ng Panginoon.
Pangalawa, kahit na malungkot, masaya, may problema, may kasama o wala.. Tayo ay magpuri.. sabi nga diba continually offer to God a sacrifice of praise. Ang pagpuri natin sa Panginoon ay hindi naka base sa emosyon at sitwasyon natin. Kasi ang Pag-Ibig Niya ay hindi nagbabase sa ginagawa natin. Naka base un sa kung Sino Siya.. at ang Diyos natin na buhay ay  hindi nagbabago.
Pangatlo, mag ingat sa pananalita. Pinupuri natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga labi. Kaya mag ingat tayo sa pag gamit nito. Wag maging doble kara, nagpupuri ka tuwing linggo tapos mula lunes hanggang sabado hindi pagpupuri ang lumalabas sa bibig mo.

James 3:9

“With the tongue we praise our Lord and Father, and with it we curse men, who have been made in God’s likeness.”

(Hindi ako nagmamalinis, dahil ako man ay bagsak dito.. kaya naman ako ay humihingi ng tawad sa Panginoon)

Naniniwala ako na ang salita ng Diyos ay talagang matulis, umuukit sa pagkatao

Hebrews 4:12

“For the word of God is living and active. Sharper than any double-edged sword, it penetrates even to dividing soul and spirit, joints and marrow; it judges the thoughts and attitudes of the heart.”

at kapag binasa mo, kapag nakita mo ang tunay na estado mo imbes na magalit ka mahihiya ka dahil sa mga ginagawa mo. WOE TO ME! Kaya mag ingat sa pananalita. Guilty ako niyan talaga, kaya ngayon na lang ako nag blog ulit. Nangako ako na iingatan ko ang pagsasalita ko, kaya kailangan ko ng Panalangin dahil hindi naman ako perpekto.
Pang-apat,  do good to others share with others.  Tayong mga tao, nakakainis tayo minsan. Pero sabi nga kailangang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo. Mahirap? Oo pero hindi naman ikaw ung kumikilos eh. Ung banal na espirito ang gumagalaw sa buhay mo. Minsan, bagsak tayo. Minsan nakakainis talaga. Pero ang Diyos nga minahal tayo kahit basahan tayo eh, tignan natin ang ginawa ni Kristo. Ulit, doon tayo makakakuha ng lakas para mahalin ang kapwa natin.
Pang huli, para saan ba natin to ginagwa? dahil ba utos ito? Oo, utos ito pero ginagawa natin to hindi para mas maging ligtas tayo o hindi mawala ang kaligtasan natin. Ginagawa natin to dahil ligtas na tayo at tayo ay anak ng Diyos.  Ginagawa natin to dahil mahal natin ang Panginoon. Dahil minulat Niya ang ating mga mata sa katotohanan. Kaya bago ka gumawa ng kahit anong papuri sa Panginoon, kahit pakikipag usap sa kapwa, kahit pagkanta bilang papuri sa Kanya. Kahit ano, ipasuri mo ang puso mo. Ipasuri ko ang puso ko. Dahil siya lang ang nakaka-alam kung ano ba talaga ang estado ko. Pasiyasat ko ang puso ko, dahil marumi ito. Pasiyasat ko na para sa kanya lamang ang papuri, na gagawin ko ito dahil mahal ko Siya.. dahil sa grasya Niya kaya ko ito nagagawa.

Tama, madumi ang puso natin.

Alam un ng Diyos pero minahal Niya tayo at mamahalin pa ng walang kundisyon.
At dahil sa katotohanang ito, tayo ay mamamangha sa Kanya. This will lead us to worship.

Naniniwala akong “it will cost us everything” sa pagsunod sa Panginoong Hesu Kristo.
Matthew 16:24
“Then said Jesus unto his disciples, If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross, and follow me.

Pero ang mahalin Siya ay hindi dapat ganun kahirap sa atin. Kasi Siya ang naghahawak sa relasyon natin sa Kanya. Isipin mo, isang Diyos na mapagmahal, tapat, matuwid, kamangha manghang Diyos mahal ka ng walang kundisyon? Hindi ka ba naman mapapangti na lang nun at maiiyak? Hindi ka ba mapapamangha dun?

Mahirap, kapatid. Pero ang buhay natin ay hawak na Niya.

Soli deo gloria!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: