Di lang pancakes ang kaya kong iluto


Kung kilala niyo talaga ako, alam niyong pancakes lang ang kaya kong lutuin. At take note; perfect ang pancake ko. Nitong mga huling linggo nung simula noong malaman kong pwedeng manood ng movies sa youtube.com, talagang nawili ako. Napanood namin ung movie na Ba:bo tapos may pagkain doon na nakapukaw talaga ng taste buds ko, parang eksena ng “I love you even though hindi pa kita nakikilala”

At ito ay ang “Korean Egg Toast” So, google.com ako agad kung paano ito gawin at saan ito gawa. Sa sobrang intense ng feeling ko sa pagkain na un at sa udyok ng anak-anakan ko na si Weng, kinabukasan gusto na namin un iluto.

Ingredients:
Tasty
Egg/s
Butter
Condensed Milk
Repolyo at sibuyas
Brown Sugar

Paghaluin ang itlog at kondensada, lagyan ng asin (pampaalat) at iprito. Igisa ang repolyo at sibuyas, itabi muna. Initin ang kawali, lagyan ng butter, itusta ang tinapay (maaring ibabad din ang tinapay sa itlog na may kondensada, maaring hindi) Ipila ang mga tinapay na na-tusta, at lagyan ng itlog (dapat iskwer ang shape) dagdagan ng gulay (repolyo at sibuyas) at budburan ng asukal. Kainin ng may ngiti sa labi.

May natira kaming konsendasa at itlog, kaya ang ginawa namin ay binabad ang tinapay doon at tinusta ulit. Ngiti na naman kami ni Weng.

Mukha bang hindi masarap? Masarap yan…. kapag pupunta kayo sa bahay lulutuan ko kayo niyan. Sabi sa inyo, mahilig ako sa pagkain. Anyungaseo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: