Hindi kasi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-ibig


“Ang alam ko lang gusto kita makasama, gusto ko masaya tayo” sabi ng lalaki. “Hindi na ako masaya” sambit ng babae.

Hindi kasi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig.
“Ayaw ko na, pagod na ako” sabi ng babae “Kung ayaw mo ayaw ko na din” sigaw ng lalaki

Hindi kasi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig.
“Mamili ka! ung mga barkada mo o ako?” sabi ng babae. “Kung hindi mo tanggap ung mga kaibigan ko, hindi mo ako mahal” padabog na sabi ng lalaki.

Hindi kasi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig.
“Its not you, Its me” sabi ng lalaki “Lagi na lang ikaw” iyak ng babae.
At uulitin ko, hindi kasi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig.

Ayaw kong magsalita ng tapos ngunit naniniwala akong ang Pag-Ibig ay sagrado. Ang Pag-ibig ay hindi mo kailanman maitatanggi, maibabaon sa limot.. kung nabaon mo ito sa limot maaring hindi Pag-Ibig ang naramdaman mo. Ang Pag-Ibig ay hindi emosyon lamang. Ito ay pagpili. Kung sa emosyon mo ito ibabase, kapag dumating na ang lungkot, pagod at pagkaburyo, mawawala ito tulad ng emosyon mong pabago bago. Minsan naman akala natin ay Pag-Ibig na, un pala sa salitang Pag-ibig ka lang umiibig hindi sa mismong tao. At ang pinaka masakit, sarili mo lang ang mahal mo. Ang sariling kagustuhan at kapakanan mo lang ang iniisip mo.

Ang Pag-Ibig ay hindi bulag kaya hindi ako naniniwala sa Pag-Ibig sa unang tingin. Pagnanasa sa unang tingin, maaari. Ang Pag-Ibig ay biyaya, payapa, dalisay. Ngunit hindi ko sinasabing ang Pag-Ibig ay walang paghihirap. Meron, marami ngunit ang paghihirap ay hindi sa kamalian. Ang paghihirap ng umiibig ay may pag-asa.

Ang Pag-Ibig ay hindi pumapayag na mapahamak at magkasala ang umiibig. Ang Pag-Ibig ay hindi maramot, hindi ito makasarili. Ang Pag-Ibig ay marunong sumunod. Ang Pag-Ibig ay marunong magbigay.
Kaya maraming nasasaktan dahil hindi nila alam ang bigat ng kanilang pinaglalaban.
Tanungin mo sarili mo: Pag-Ibig nga ba?

9 Responses to “Hindi kasi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-ibig”

  1. Reblogged this on 25pesocupnoodles and commented:
    hmmm, bakit nga ba sa kalagitnaan ng gabi ay napamuni sa katanungang iniwan ng may akda. bakit nga ba?

  2. I share the same sentiment. Thank you for this beautiful piece of writing.

    I’d say, people may have been mistaken when they say love belongs to the heart. I think it belongs to the soul. Love is divine. Love is not all bliss, but a balance of the good and the bad and the ugly, yet it makes you happy, alive. A verb, not merely a noun.

  3. malawak ang usaping ito. hindi ko rin alam ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig.

  4. sabi nila ang emosyon ay isa sa libo libong bagay na maaari mong pag-aralan at matutunan, conditioned kungbaga. at sang-ayon akong ang pag-ibig ay higit pa sa emosyon. ang pag-ibig ay mas malawak pa kesa sa malawak.

  5. “Ang Pag-Ibig ay hindi emosyon lamang. Ito ay pagpili. ”

    Astig!πŸ˜€

    Sumasang-ayon ako TEN TIMES!πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: