Ang blog na ito ay hindi tungkol sa pagkain… NOT!


Since hindi ko kayang gawing “fasyown blog” ang wordpress ko. Susubukan ko kung pwede siyang food blog. Tutal mahilig naman akong kumain, hindi ako mapera.. mahilig lang kumain.

Sabi nga nila, bago kumain iinstagram muna kaya kapag kakain na malamig na ung pagkain. Guilty ako dyan. Kaso na-laos na sakin ung instagram. Oha, pasikat pa lang siya sayo sakin laos na. (Kayabangan mode, KILL)


Sept 21, 2012. Naisipan kong mag food trip kasama si Choloy ay Ayin.

First stop: Smileys SM North.  http://www.smileyswaffles.com/ Excited ako kasi mahilig ako sa waffles and Chicken Wings.

Lugar? Accessible ba?  Masasabi kong oo. Kahit maliit ung lugar, nadadaanan naman ng tao kaya may nakakapansin din.

Ambiance?  Hmm.  Maliit ung lugar, ung ilaw hindi ko trip (madilim siya sakin), Natuwa ako dun sa mga photos and post its na nakalagay. Uso talaga ung ganung set up.

Service? Laging nka smile ung nag-asikaso samin kaya 4/5.  Mabilis din, mainit ung pagkain.

Masasabi ko ding tama ung presyo nila sa pagkain nila.

Ang kinain ko ay ung Spicy Chicken wings + Chocnut waffles = SOLB! Lasang chocnut talaga ung waffles nila, plus 10 points sa akin.

Sinubukan naman ni Ayin ung waffles with ice cream. Bitin sa waffles pero sakto ung 55php nilang presyo para dito.

Uulit ba ako? Oo, sa kadahilanang paborito ko ang Waffles at Chicken Wings.

Second stop: Four Fingers Crispy Chicken https://www.facebook.com/Gimme4fingers.Philippines

Hmmmmm.

Una kong narinig tong Four Fingers sa katapid ko, sabi niya mas masarap pa daw sa bon***. Kaya ako bilang isang deboto ng bon*** sinubukan kong kumain.

Lugar? Ang cool nung lugar, gusto ko ung set-up nila. Nakakaganang kumain sa ganung kugar.

Pinaka gusto ko ung pader nila. Naalala ko ung Riot Album ng Paramore.

Concern lang ako dun sa lalagyanan nila ng pagkain. Uulitin ko, cool. Pero mahirap kumain sa iskwer na parang karton na stainless  na plato.

Presyo? Para sa akin, mahal ung presyo nila para sa pagkain nila. Oo, Crispy ung Chicken, pero bon*** padin ako.  Pwede tong kainan na to kapag grupo kayo pero kapag solo, hindi ko alam.

Four Fingers naalala ko ung Teenage Mutant Ninja Turtles. Im sorry.

Babalik pa ba ako? Pwede.

Sa susunod na food trip ko ulit ah?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: