Sakripisyo


Hindi lahat ng mga pasakit ay pabigat. Oo, mabigat talaga kung bubuhatin mo pero kung itatabi mo lang sa gilid mo at iispin kung paano iyon huhupa mas magiging magaan ang lahat. Hindi lahat ng pag-iyak ay dahil sa kalungkutang naganap, ngunit ang mga galak, ngiti at pagtawa ay dahil sa kinapulutan mo iyon ng kahit kaunting kasiyahan. Wag tayong maglinay sa iisang punto lang. Dahil kaya nga ginawa ang letter “s” ay dahil may mga bagay na mas maayos kung marami.

Sa totoo lang mas maigi pa ang hindi magsalita paminsan minsan. Dahil ang katahimikan ay isang anyo ng katotohanan, ngunit hindi iyon nabibigyang pugay dahil sa ito ay mundo. Nasanay tayong lumalaban sa pamamagitan ng salita, pagtanggi, pagsangayon at kung ano ano pang mga pagtatanggol sa ating sarili upang maiba ang persepsyon ng mga taong nakapalibot sa atin, pero hindi niyo ba naisip na mas magkakasala ka kung papantayan mo rin ang kilabot na kanyang naiambag para lang masabing. “a. un pala naman”. Kung mamarapatin niyo sana ay isipin niyo ang aking sasabihin, kahit sa palagay ko ay naguguluhan kayo sa aking gustong ipabatid.

“Hahayaan ko na may maiwang tanong sa magulong isipan ng mga tao ngunit liliwawin ko ang katotohanan sa Diyos dahil siya lang ang may karapatang mang-husga sa akin, sa lahat ng aking nagawa, at sa iyo rin”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: