Serve God and love His people.


Kahit anong maisip mo, maramdaman mo… ang ministry na kinabibilangan mo ay hindi tungol sayo. Kaya bago ang lahat, iisipin mo kung magrereact ka or magrerespond. Mas makakatulong ang bawat isa sa ministry kung may ispiritwal na paglago ng bawat member, lalago lang ang ministry kung 100% kayong nagdedepende sa Panginoon.

Zechariah 4:6

‘Not by might nor by power, but by My Spirit,’ says the LORD of hosts

Paglingkuran mo ang Diyos at mahalin ang mga anak Niya na kapatid mo. Minsan mahirap maglingkod, kasi obedience ang usapan. Minsan mahirap mahalin ang kapatid mo, dahil puro pagkakamali nila ang nakikita mo. Pero hindi dapat ganun ang mind set. Hindi dapat ganun ang iniisip. Sumunod ka at mahalin mo ang kapatid mo dahil papuri mo un sa Panginoon, at hindi naman ikaw ang kumikilos na sa buhay mo. Dapat hindi na Ikaw. Kasi nasa pamamalaga ka na ng Espiritu Santo.

Kung dati ganun ka, dapat ganito ka na ngayon. Mahirap? Hindi pa tapos sayo ang Panginoon. Nasa proseso ka pa lang. Hindi pa tayo perpekto, nasa proseso pa lang ng pagiging perpekto.

May mga taong mahirap mahalin, mahilig magreklamo, mahilig manita. Bakit Ikaw? Madali ka bang mahalin? Hindi rin naman. Minsan nga, mas matigas pa ulo natin. Pero Minahal ka ng Diyos. Angal ka pa? Kapag nagsimula ka ng tumingin sa mga tao at hindi sa ginawa ng Diyos para sayo, magsisimula ka ng manita at uminit ang ulo. At kapag nag isip ka na ng kapakanan mo, makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo sa huli.

Talagang pasaway padin ung ibang mga tao. Rebuke with love. Hindi siya nagpakita ng love eh, rebuke with love padin. Just like what Christ thought us. Lagi kong sinasabi na, bago ka magreact at bago mo pagalitan or magsalita. Alamin mo muna kung bakit, kaya ako mahilig magtanong ng “Bakit” dahil kailangan kong malaman kung bakit ganun ung pakikitungo nila. Malay mo hindi pala talaga pasaway, malay mo may struggle siya sa ganun. Alamin mo, mahalin mo kapatid mo at ipanalangin Niyo.

At huli, huwag kang gagamit ng pisikal na lakas na galing sayo sa spiritual na gawain. Mas maigi ang spiritual na katayuan ng bawat isa kesa sa kung ano ang magagawa ng ministry. Mas maigi ang maayos na puso kesa masipag na kamay.

Ang ministry ang kinabibilangan ng ibat ibang uri ng tao, katayuan sa buhay, talento, pinagdadaanan pero iisa ang layunin ang iisa ang nagbubuklod.

Romans 12:4 

Just as our bodies have many parts and each part has a special function,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: