I have this urge (Yah know) of deleting my tumblr account. Konti na lang.


Rewind sa blog post noong kelan nga ba un? Basta this month lang din eh.
“Ung mga panahon an ang pagbo-blog ay galing sa puso hindi para magpasikat”
Okay, kalma lang. Hindi to super-bitter-blogpost-ahead
Uunahan na kita parang isang mabilis na mabilis.

 

Disclaimer: Hindi ako matalino sa paksa ng pagba-blog. Isa lang akong simpleng tao na mahilig magsulat at ginagawang diary ang wordpress. Well, hindi naman sa diary.. mahilig lang akong magsulat.
Lagi kong sinasabi na, obserbasyon lamang ito. Maaring mali, maaring tama. Pero may ipinapahawatig.

Disclaimer: Mahilig ako maglagay ng “title blog” na wala namang kinalaman sa blog post.

Bakit nga ba ako nag didisclaimer? Rule number one sa aking pagbabalik blog. Bawal na akong mang away. Ayaw ko na, eh minsan hindi ako maintindihan kaya ngayon may disclaimer na. Patayin na ang apoy bago magka-usok. Diba?

Disclaimer: Dati kapag ako nagsusulat, mahilig ako magparinig. Ngayon sarili ko na madalas ang pinaparinggan ko kapag ako ay nagsusulat. Nalaman ko na bago ako tumingin sa mali ng iba, magsalamin muna ako.
Matthew 7:4-5
“How can you say to your brother, ‘Let me take the speck out of your eye,’ when all the time there is a plank in your own eye?
You hypocrite, first take the plank out of your own eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye”

Disclamier: Dont english me, only tagalog. Mas okay para sa akin ung tagalog na blog kasi dun ako mas komportable at dun nila ako naiintindihan. 8 hours na ung trabaho ko ng pag eenglish. Tama na un. (Insert belat na emoticon)

Disclaimer: May mga malulungkot pa din akong mga blog post. Tao lang po ako. Pero pangako di ka magsi-suicide pagtapos mo magbasa.

Disclaimer: Mahilig ako kumuha ng litrato, frustrated ika nga nila. Kaya magmimistulang photo blog din ang wordpress ko. Hindi para magpasikat ng dslr, kundi mag kwento.
“Naniniwala kong ang bawat litrato ay may kwento” Minsan nga lang walang kwenta.

Dislcaimer: Kahinaan ko ang makikita niyo sa pintig ng tinta. Dahil kung kailan ako mahina doon Siya malakas.

Pero napapaisip pa din ako kung buburahin ko na talaga ung tumblr account ko. Dapat faithful, isa lang. Ayaw ko mangibang bahay.

5 Responses to “I have this urge (Yah know) of deleting my tumblr account. Konti na lang.”

  1. Ate Iskaaaa! Wag mo ho delete tumblr acc. mo :3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: