This is your lucky day! or not.


Nabasa ko sa Horoscope ko..
VIRGO
Si Carlo Aquino ay taga lagro
Lucky Color:
Orangey Blue

Hindi ako naniniwala sa swerte sa grasya ako naniniwala.
Bakit? Kasi alam kong ang lahat ay may dahilan, lahat ay may rason. At lahat ng nangyayari sayo ay magkaka dugtong.

Na-late ka pumasok sa opisina.
Malas kasi ung traffic. Unang una traffic talaga sa Pilipinas, walang lugar dito na walang traffic kahit tao na tatawid sa kalsada nata-traffic. Kasi ung driver grabe magsakay lahat ng kanto hinihintuan. Hindi naman malas ung driver na nasakyan mo, nagta-trabaho lang.

Tanghali kasi ako nagising, malas! Hindi nag alarm ung cellphone ko.
Hindi malas un, imposibleng hindi nag alarm un. Nag alarm un, pinili mo lang mag snooze at matulog pa. At ang rason, pumarty ka kasi kagabi.

Pasado ako, swerte talaga ung ballpen na ginamit ko nung review. Swerte talaga ko sa mga kaklase ko at propesor. Pero naisip mo ba na, nag-aral ka kaya ka nakapasa. Hindi lang kilay ang sinunong mo, kundi bigote. At un ay biyaya ng Diyos.

Lahat ng gagawin mo ngayon makaka-apekto un sa kinabukasan mo. Kahit na maliit na desisyon lang yan sa ngayon, may impact yan sa future mo.

Kaya wag mo ng antayin ang horoscope sa dyaryo. Hindi mo kailangan ng gabay ng bituin kasi ang mga bituin hindi ginawa ng Diyos para maging basahen ng kapalaran. Ikaw ang dahilan ng lahat ng bagay na ginagawa mo.

Horospoce
VIRGO:
Wag kang maniniwala sa horoscope mo ngayon.
Lucky Color:
Colorless

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: