Ung title pala Optional na lang.


Kahit hindi ko kailangang mag salita, nagsasalita ako.

Dahil nga naman may bibig ako at gusto kong sabihin ang dapat kong sabihin.

Kung kilala niyo si Nenang Baluga ng Multiply.com. Alam kong kilala nyo kung paano ako magsulat noon.

“Mas mahirap maging mayaman, dahil mas malaki ang chansa nilang maging mahirap. Kasi ung mga mahihirap, mahirap na. Chill na lang. ” -2009

Sinabi ko pa nga noon na may ugali akong kainin ang mga letra at iluluwa kong may tatak ng laway ko.

Totoong nangungulila ako sa pagsusulat, binasa ko ung mga luma kong blogs. Kung paanong ang pag ba-blog noon ay pagsusulat ng may puso at hindi para magpasikat sa tao, iniisip ko kung ano ang dahilan kung bakit ako tumigil. Kung bakit wala na akong online notebook para sa aking public Diary.  Napadaan ako sa isa kong blog entry sa multiply.

1. Ayaw ko nang mang away- Ayaw ko ng makisawsaw sa mga usapang wala namang magagawa kundi umalipusta ng mga tao sa internet. Totoong  marami akong inaway sa internet at ginawang kong (masasabi kong) karumaldumal at usapin sila sa circle of friends namin online. Pero hindi ko na trip un ngayon.
“Kailangang malamam ko na hindi alhat ng sasabihin mo dapat sabihin dahil mas makakasama lang ito”
Isa pa, hindi naman sakin ang mundong to, bakit ako magpapaka bitter. Hindi naman ako nabubuhay para sa sarili ko. Masasabi kong mayabang ako noon, maangas, matikas pero walang dating un. Hindi ko rin naman madadala sa hukay un.

2. Hindi na ako malungkot- Naalala ko, ang mga writers ay mas ginaganahang magsulat kapag malungkot sila at masalimuot ang pinag dadaanan nila. Totoo, write not to impress but to express.

3. May buhay na ako sa labas ng http://www.com – Noon, ang circle of friends ko ay nasa internet. At wala pa akong masyadong ginagawa noon. Hindi ko pa alam kung para saan ako, pero ngayong alam ko na ang purpose ng buhay ko. Alam ko na kung paano gamitin ang 24/7 ko.

Kaya ngayon nakapag desisyon ako, na kailangan kong magsulat. Kailangan kong umukit ng arte, hindi sa kahoy at yelo kundi sa puso mo. Hindi ko naman sinasabi na, wala na naman akong buhay sa real world pero naisip kong maari akong magsulat dahil natuto na ako. Mas marami akong masasayang maikekwento ngayon sa mga readers ko, at pangako hindi na ako mang-aaway.

 PIS MAH MEHN!

WordPress, mamahalin ulit kita tulad ng isang lalaking binata na natagpuan ang kanyang first love.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: