Keep me together, Don’t leave me, Hold my bones together


09/11/2011

Isang babae, Isang babaeng mahina.. babaeng gusto matawag na maganda.. babaeng gustong mahalin.

May mga bagay sa mundo na akala natin importante pero sa di kalaunan masasaktan lang tayo dahil binigay natin ang buong puso natin sa maling bagay. Hindi na maibabalik ang mga naganap na, pagsisisi na nga lang ang tawag. Pero desisyon mo kung malulunod pa rin sa kahapon masalimuot.

Bente-kwatro na ako. Kung tutuusin mabibilang na rin ako sa mga taong dapat ay may plano na para sa darating na estado ng buhay. Pero ako un tipo ng tao na hindi magaling magplano, sabi nga ng nanay ko “Happy go lucky” ako. Hindi lang niya alam di ko inaalala masyado ang bukas… bakit? Aalalahanin ko muna ang ngayon para maalagaan ko ang bukas.

Dati takot na takot ako kung ano ang mangyayari sa mga bagay na hindi ako sigurado. Hanggang sa kainin ako ng mga maling bagay na pinanghahawakan ko. Mga bagay na dapat wala sa buhay ko, mga nginig na hindi naman nakakatakot, mga kasiyahan na peke lang naman. Winasak Niya ang puso ko sa mga bagay na makakapagbigay sa kanya ng Kaluwalhatian. Kung dati ay umiiyak ako dahil sa sakit, ngayon dahil sa pagkalula sa pagmamahal Niya.

Nagsusulat ako para sa mga babaeng pilit nilalayuan ang dungis ng kahapon, uulitin ko hindi dapat. Sayang ang malulungkot na mukha dahil sa pangit na kahapon, hindi mo makikita ang ganda ng ngayon at ang liwanag ng bukas. Nagsusulat ako para sa aking katayuan, para sa Kanyang kaluwalhatian.

Maligayang Kaarawan sa akin. Para sa kanya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: